Chapter 34

10.7K 247 48
                                    

Chapter 34

They spent the whole day shopping. Kulang na lang ay bilhin na ni Sebastian ang buong street, pinangatawanan nito ang pamimili sa kaniya ng mga damit. Unlike the first time, every time she puts on a clothing, nagkokomento naman ito, minsan nga'y ito pa ang namimili ng damit na isusukat niya.

To sum it up, everything seems like a whole new level of her relationship with Sebastian. Naninibago man, she's loving every bit of it.

"Je voudrais voir cette robe mais en rouge." Sebastian told the sales lady while pointing at the dress Emilia's wearing. The lady immediately nod and left them.

[ Translation : "I want to see this dress but in red." ]

"Ano? Panget ba?" Nahihiyang tanong ni Emilia as she tuck a strand of her hair to her ear. Agad namang umiling si Sebastian at dumating ang saleslady na may dalang dress, kagaya ng disenyo ng suot niya kaso ito ay kulay pula.

The lady immediately ushered her back in the fitting room. "Fit this, madame." Iniabot sa kaniya nito ang pulang flare dress with split sleeves. Tumango na lamang siya at sinukat ito. Mas bagay ang kulay na ito sa kaniya, kaysa sa naunang kulay navy.

She smilingly went out of fitting room. Umiikot ikot pa siya sa harap ng lalaki. "Mas bagay, hindi ba?" Ngumiti ang lalaki at hinapit siya sa baywang, naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kaniyang ulo.

Agad siyang napayuko, the man is getting touchy to her and she loves how his contact with her makes her feel a rollercoaster ride of emotions. Ngunit ang bawat haplos ay nagpapalito din sa kaniya, parte lang ba iyon ng pag-arte at masiyado lamang siyang nadadala, o nagsisimula nang magkaroon ng iba pang kahulugan ang mga bagay-bagay? She felt confused all of a sudden.

"C'est belle!" Nakangiting sabi ng sales lady na kahit hindi niya ito naintindihan ay ngumiti siya pabalik dito.

[ Translation : "It is beautiful!" ]

"Elle est une beauté." The sales lady giggled which made Emilia creased her forehead. She didn't understand, nabubuo tuloy ang konklusiyon sa isip niya that Sebastian is flirting with the girl.

Natapos na siyang magbihis ng kaniyang damit at ngayo'y binabayaran na ni Sebastian ang pinamili nila. Napapasimangot na lamang siya kapag naiisip ang nangyari kanina, gusto niya tuloy aralin ang lenggwahe bigla. Madalas kasi siya ma-out of place lalo na kapag bumibisita sila kina Lucas at Denesa.

Para lamang siyang asawang nagseselos, kahit sinasabi ng isang parte niya na wala naman talaga siyang karapatan. Pilit niya namang winawaksi ang mgakonklusiyon bagamat wala naman siyang konkretong ebidensiya.

"Something wrong?" Napakurap siya lumingon sa lalaki. Sa paglipad ng isip ay hindi na niya namalayan na nakalabas na pala sila sa shop.

"Wala." Simple niyang saad at dumiretso ang tingin. Emilia pursed her lips and started walking ahead of the man, pacing faster.

"You tired?" Napakagat na lamang siya ng labi when the man immediately caught up with her steps. Gusto man niyang mainis dito ay umeepekto sa kaniya ang mga sinasabi ng lalaki, para bang concerned na concerned ito sa kaniya.

She just gave out a nod. Lalo na't lakad pa sila ng lakad, naibsan man kahit papaano ang sakit ng kaniyang puson ay nakakaramdam naman siya ng panlalata.

Napahinto siya sa paglalakad ng itali ng lalaki ang coat nito sa kaniyang baywang at naupo sa kaniyang harapan. "Kaya ko pa naman maglakad." She said, surpressing a smile. Her hormones are driving her crazy. Mabuti na lamang ay nandiyan si Sebastian.

"Should I just lift you like a sack instead? Or bridal style?" Napahawak na lamang siya sa coat nito nang mahigpit bago umangkas sa likod nito.

"Seb, ano 'yung sabi mo sa babae kanina?" Bakas sa boses niya ang pilit na tinatagong lungkot at inis na para bang isang batang nagtatanong kung bakit wala siyang pasalubong.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon