Chapter 17

11.4K 245 29
                                    

Chapter 17

Nakatitig lang sa kawalan ang dalawa habang nakaupo sa dining table. Katahimikan ang nababalot sa kanila, kung titignan ay para silang nag-ma-mannequin challenge.

"Ano." As Emilia say those words, Sebastian cleared his throat. Napatingin na lamang sa lamesa si Emilia. She finds this situation very cringeworthy. Taliwas sa inaakala niyang magiging isang mahabang usapan ito, walang nagtatangkang magsalita sa kanilang dalawa.

"Sorry 'bout my mom." Umayos ng upo si Emilia. Sa wakas, 'pagtapos ng mahabang minuto ng katahimikan ay magkakaroon na rin sila ng paguusapan. Sayang lang din ang pag-absent ng lalaki kung magtititigan lang sila dito maghapon.

"I'll try to stop her." Tango lang muli ang sagot ni Emilia. Emilia finds the idea of Therese nice kung iba lang ang sitwasyon nila, but then she remembered na allergic nga pala sa kaniya si Sebastian, at baka magiba lamang ang bahay kapag sila ay nagsama.

"Y-Yeah, mabuti pa." She gulped. Napabuga siya ng hangin sa iniisip. Why is she thinking that? She hates this guy, too! She brush away the thoughts in her head.

"Yeah." Para na namang may dumaang anghel sa paligid nila. Napakagat na lamang ng labi si Emilia. "By the way, you'll meet my grandfather on Saturday." She nod. She expected that, tutal ay engagement party ay malamang, makikilala niya ang angkan nito.

"Sebastian," Nagtaas naman ang tingin ang lalaki at napatingin sa kaniya. Bahagyang lumaki ang kan'yang mata. She found it captivating suddenly. Napakurap na lang siya para maitaboy ang mga iniisip. "Puwede bang bumali? I mean, kumaltas sa isang milyon nating usapan?" Lakas loob niyang sabi. Baka tugisin pa siya ni Gina sa kulang sa renta, at ang paraan lang para makabayad siya ay si Sebastian.

"Why?" Napakunot ang noo ng lalaki. Emilia leaned on the table at nilaro ang mga kamay.

Wala ba itong balak na magbigay kahit kaunti? She puckered her lips at the thought. "Ano, basta." She felt uneasy. Nahihiya naman siyang sabihin na pambayad utang ito dahil baka lalo siyang hindi bigyan.

"If this is about the rent, I already paid for it." Napaangat ng tingin si Emilia at napaawang ang mga labi. This guy never failed to surprise her. Ang bilis nga naman ng balita, sinabi na siguro no'ng driver nito. She should thank him later. "And no, the one million is still fixed." She pursed her lips. Bakit ba sobrang galante nito? Sabagay, sa yaman ba naman nito ay barya lang sa kan'ya ang libo.

"Sige, alis na ako. Salamat!" Ngumiti siya ng matamis at tumayo sa upuan bago niya pa ito bigyan ng ibang kahulugan.

Mag-aala una na pero hindi pa rin siya kumakain. Bago pa siya makalabas sa dining room ay nagsalita ang lalaki.

"Where are you going?" Napahinto siya at dahan dahang pumihit para tumingin sa lalaki.

"D'yan lang." Mabilis siyang lumabas sa unit nito. She's really hungry and her thoughts when she's with him isn't helping at all.

Sinampal-sampal niya ang sarili habang nakasakay sa elevator. Nitong nga nakaraang araw ay kung ano anong pumapasok sa isip niya patungkol kay Sebastian. She sighed heavily at ipinasok sa isip na gutom lamang ang lahat.

Hindi kaya attracted ako sa kan'ya? Kasi, ang gwapo niya hindi ba? Umasim ang kaniyang ekspresyon at pinagsasampal na naman ang sarili. "Erase, erase, erase!" Kinikilabutan nitong sabi. Impossible! Sa lalaking halos gawin siyang emotional punching bag? She thinks, convincing herself to stop thinking about him in that way.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon