Chapter 23
Hindi magkamayaw sa pagnguya si Emilia. Maya't maya rin kasi ang pag-serve ng mga waiter at waitress ng iba't ibang putahe. "Emilia." She raised both of her eyebrows when Sebastian called her. Today's their tasting for the foods to be served on their wedding. Na-e-enjoy naman ito ni Emilia sa dami ng pagkaing puwedeng tikman.
She took another bite when Sebastian spoke. "Nevermind," Umangat ang tingin niya dito na nakatitig lang sa kaniya, tila inoobserbahan siya. "We'll take everything." Sambit nito sa isang waitress. May dumating naman na waiter at naglapag ng mga ipinapakilalang main course.
"M-Main course?! Ibig sabihinㅡ" Pinutol ni Sebastian ang kaniyang sasabihin.
"Yes, Emilia. That was only the first and second course." She pursed her lips. Parang sasabog na ang kaniyang tiyan sa kabusugan, kanina pa siya kain nang kain. Sebastian said not to eat everything but it tasted so good and she couldn't help it.
"Hindi na pala kailangan ng tasting sa'yo." She sheepishly smiled at what Sebastian said. It's true, though. She just finds everything delicious, ni hindi na nga siya makapagkomento sa mga sinasabi ng mga servers. Hindi rin naman kasi siya mapili sa pagkain.
Nahihiya siyang tumingin kay Sebastian. "Ikaw naman, 'uy! Busog na talaga ako." Umiling iling na lang si Sebastian at bahagyang ngumiti sa kaniya.
Kinuha naman nito ang plato ng pressed duck terrine with fruit chutney at nagsimulang kainin. "Who told you to eat everything?" Tawa lamang ang naisagot niya sa lalaki, she still wants to eat more, kaso ay ayaw na ng tiyan niya. Baka hindi na siya makatayo.
Pinanood niya lang si Sebastian na kausap ang planner at caterer. Para lang silang nag-da-date kung titignan, she suddenly remembered the first time they ate together which was spoiled when Jaxson came. It's true that eating meals together bring people closer together.
It was just the two of them today, wala si Therese at Sheryl. Si Sheryl ay may pasok sa trabaho, habang si Therese naman ay sinasabing mas sweet daw kung sila lang ni Sebastian ang mag-tatasting, contrary to the fact na lagi siyang inaasar ng lalaki.
Nagningning ang mga mata ni Emilia nang makita ang paparating na tray ng mga desserts. Agad naman siyang kumuha ng white chocolate parfait pagkababang pagkababa ng waitress nito.
"I thought busog ka na?" Rinig niyang bulong ni Sebastian. She scooped the whipped cream with her index finger at pinahid sa pisngi ng lalaki. Bago pa ito makareact ay pinahidan niya pa ito sa kabilang pisngi.
She chuckled at his priceless expression. Habang tumatawa naman siya sinamantala na ni Sebastian ang pagkakataon at pinahiran din siya nito sa tungki ng kaniyang ilong. "Now we're even." Papahidan sana niya ito pabalik ngunit nahawakan nito ang kamay niya. Akalain nga naman, si Sebastian ay nakisakay sa ganoong trip niya
Natigil ang pagmumuni-muni ni Emilia nang maramdaman ang malagkit na cream sa kaniyang noo. Binitawan siya ni Sebastian at hindi na nagtangka pang gumanti. Parang sila lang ang tao sa restawran, natatawa siyang nagpahid ng mukha para tanggalin ang whipped cream.
Today, she saw another side of Sebastian. He actually knows how to have fun. Only Emilia can bring out this side of him.
"For our drinks.." Nagbaba ito ng iba't ibang klase ng drinks. Tinanggal na rin ng mga waitress ang plato ng mga putaheng tinikman nila kanina.
Kinuha naman ni Emilia ang isang clear lang na inumin. "Sprite ba 'to?" Bulong niya sa baso na para bang magsasalita ito pabalik.
Wala pa sa kalahati ang naiinom niya ay muntik na niya itong maibuga. Hindi iyon sprite o anuman dahil pait ng lasa nito na gumuhit sa kaniyang lalamunan.
BINABASA MO ANG
Bride for Hire
General FictionEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...
