Chapter 2

17.8K 284 17
                                        

Chapter 2

Maganda ang gising ni Emilia. Alas sais pa lamang ay nagising na siya which is very unusual. Masiyadong excitement ang nadarama niya sa bago niyang trabaho and she felt motivated enough to wake up early.

Nagpunta siya sa karinderya malapit sa kaniyang apartment upang bumili ng almusal. Nadatnan naman niya si Aling Rosa na siyang nagwawalis ng bakuran.

“Ang aga mo yatang nagising? Himala ah!” Nakangiting tanong nito. Kadalasan ay alas nuwebe ang kaniyang gising o ‘di kaya’y alas otso, na siyang pinakamaaga. She’s not a morning person, tulog mantika pa.

“Excited po kasi ako, ‘ma. May bago po akong trabaho ngayon!” Masigla niyang sabi na nakapagpatawa sa matanda. Bakas na bakas sa mukha ni Emilia ang pagkasabik.

“Nako, mukhang maganda ‘yang trabaho mo ah. Pag-igihin mo. Dumaan ka uli’ minsan sa bahay at na-mi-miss ka na ni Ange." Si Ange ang labing-anim na anyos nitong anak na parang kapatid na rin ni Emilia. Halos kaedaran din ito ng kapatid niya kaya naka-close niya ito agad.

Ilang araw na rin no’ng huli siyang nakadalaw sa ale. Nitong nakaraan kasi ay naging abala siya. “Baka ho mamaya pagkauwi ko. Tutal Valentine’s naman po! Celebrate tayong tatlo.” She smiled. Na-mi-miss niyang makipag-bonding dito. Sila ang naging pamilya ni Emilia dito sa lungsod.

Pumayag naman ang matanda sa kaniyang alok. Matapos bumili ay pumasok na siya sa apartment.

Pakiramdam niya ay isang magandang araw ‘to para sa kaniya! First time niya magtrabaho sa isang high class na restaurant, at ngayon lang din niya mararanasan mag-uniform sa trabaho. Nakapolo shirt lamang siya at pantalon sa dating restaurant na pinagtatrabahuhan, hindi rin kasi ito ganoon kagarbo. Isang tipikal at normal na kainan lamang.

Pagkatapos kumain ay gumayak na siya. Umikot-ikot pa siya sa salamin nang maisuot ang kaniyang uniform. Kulay itim ito na long sleeves na may mga butones sa harapan, with a gold neck scarf. May collar at outline itong gold, gano’n rin ang palda na may bulsa sa harap, at may stockings na itim. Kung titignan pa lamang ang uniporme, dama na agad ni Emilia na high-end ang restaurant na ito. Napapaisip tuloy siya kung paano siya natanggap dito nang ganoon lang.

 Napapaisip tuloy siya kung paano siya natanggap dito nang ganoon lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawang pares ang ibinigay sa kaniya. Pagsasali-salisihin niya na lamang niya siguro ito. May kaluwangan ito sa baywang na balak niyang ipa-repair na lang kay Aling Rosa, sanay kasi itong manahi.

Hindi mapawi ang ngiti ni Emilia pagkaapak pa lamang sa entrada ng restaurant. Sisiguraduhin niyang gagawin niya ang makakaya para pagbutihin at ‘di matanggal sa trabaho dahil alam niya kung gaano kahirap matanggap para sa isang katulad niya. Binigyan siya ng maikling tour ng manager kasama ang ilang bagong empleyado. May kalakihan ang restaurant dahil may ikalawang palapag pa ito na event hall. Pagkatapos ng tour ay pinagtrabaho na sila nito.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon