Chapter 27

10.3K 214 18
                                    

Chapter 27

Ilang oras nang nakanganga si Emilia sa sala nang mapagpasiyahan niyang umakyat nalang. Hindi siya mapakali. When she turned at the hallway, she saw Sebastian standing at the balcony at the end. She's debating with herself whether to approach him or not but in the end, nilapitan niya rin ito. 

She leaned at the balustrade next to him, napalingon naman sa kaniya ang lalaki na binigyan niya ng ngiti. "Hindi na ako magtatanong, promise.." Itinaas niya pa ang kanang kamay. Hindi naman nag-react ang lalaki at uminom na lang muli ng alak.

"Yeah you better don't." Natahimik ang kanilang paligid matapos noon. She was never wrong, this man is very mysterious. A mystery that is hard to solve which makes her more intrigued about him.

Humugot siya ng malalim na hininga bago magsalita. "P'wede magtanong tungkol sa set up natin?" She expectantly looked at Sebastian.

Tumikhim ito at tumango. "H-Hindi na tuloy 'yung sa contract?" Natahimik saglit ang kanilang paligid. Kagat labing naghihintay ng sagot si Emilia, kasabay ang hiling na hindi kabilang ang tanong sa mga ayaw sagutin ng lalaki.

"I think so. You know mom." She heard him heaved a sigh. Lumagok ito muli ng alak na siya namang pinapanood lang ni Emilia. Mukhang problemado nga ang lalaki.

"P-Pero mag-a-annull tayo?" She asked, trying to sound casual. Iniisip niya pa lang iyon ay nakakaramdam na siya ng iba't ibang emosyon. It was supposed to be for the better, bakit pa niya panghahawakan ang kasal na hindi naman talaga totoo simula pa lang? And to what she's doing, mas pinapahirapan lamang niya ang sarili.

Uminom muli ang lalaki bago sumagot. "Yeah. We should." She bit her lips. Kahit di niya sabihin ay may parte sa kaniya na nasaktan siya dito. They should. Iyon naman ang napag-usapan talaga simula pa lamang.

Walang ano ano ay inagaw niya ang bote ng alak sa lalaki at agad na tinungga. Pagkatikim na pagkatikim ay nalungkot ang mukha niya.

"Hey!" Sebastian said with concern. Ngiting-ngiti naman na binalik ni Emilia sa lalaki ang bote na parang walang nangyari.

"Sebastian," Tawag niya sa lalaki. "Tell me more about you." Ngumiti siya dito. This is a pretty perfect timing for her to know more about the man. Kaunti lang kasi ang nalalaman niya dito kanina, she's playing safe by not asking questions anymore.

"There's nothing interesting about me." Sagot nito bago tumungga.

Napalabi naman si Emilia, na tinataliwas ang sagot nito. "Everything about you is interesting." She immediately pursed her lips, at agad lumaki ang kaniyang mga mata nang ma-realise ang kaniyang sinabi. She didn't mean to say it out loud.

Mariin naman siyang tinitigan ng lalaki. "Tell me," Uminom ito mula sa baso bago ibaba kasama ang bote sa kalapit na lamesa. "Do you love me, Emilia?" Sebastian looked at her intently. Natuyo bigla ang lalamunan ni Emilia sa narinig, his question caught her tongue.

Hindi lingid sa kaalaman niya na isang maling sagot lang ay maaaring magbago na naman ang lahat. She blinked at napaiwas ng tingin sa lalaki.

She took a deep breath before answering him with a faint smile. "Of course not! Crush lang 'to. Ikaw? M-Mahal ko? Feeling!" She scoffed, trying to sound nonchalant. "Katayin pa kita d'yan eh!" Pagbibiro pa niya, sinusubukan maging convincing.

Now she's thinking that this honeymoon is a bad idea.

Tumango naman si Sebastian sa sagot niya, looking satisfied. "Good then. Don't chop me, yeah?" Pinagmasdan na lang ni Emilia ang malawak na hardin sa bahay na 'to at hindi na sumagot.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon