Chapter 12

12.2K 268 3
                                    

Chapter 12

"I'll surely miss you, love." Franco said while hugging Emilia. It's their last day of lessons. A week came by very fast, at heto nga at oras na para magpaalam sila ni Franco sa isa't isa.

"Your designs are fantastic, call me if you're looking for an agency." Franco handed her a calling card. She smiled. Ma-mi-miss niya din ito panigurado, napalapit na din siya dito. She learned a lot from him.

"I noticed you sketched a lot of wedding gowns. Are you the one who'll design your dress for the wedding?" Franco asked her while grinning. She felt flustered suddenly. Masiyado siyang na-inspire magsketch ng wedding gown, halos kalahati ng mga designs niya ay pangkasal.

She shook her head quickly. "Hindi, Franco." Tumango-tango na lang ang lalaki. She was too focused on her lessons these fast few days, at ngayon lang pumasok sa isip niya na wala pa silang gaanong preparations para sa wedding.

"Okay dear, see you when I see you." Iniabot sa kaniya ni Franco ang sketchpad at nakipagbeso sa kaniya bago lumabas.

She sighed because of relief. It felt like an achievement. Pagtapos ng kontrata ay puwede na siguro siya humanap ng trabaho about sa fashion design. She can finally do what she loves to.

She tapped the card at nang bunukas ang pinto ay bumungad sa kaniya si Sebastian na nakahalukipkip.

"Congratulations. Who would've thought a dense like you completed a degree in just a week?" Inirapan niya lang ito at binunggo sa balikat bago naglakad papunta sa elevator.

Napapasimangot si Emilia. Kailan kaya bubuti ng tuluyan ang pakikitungo sa kaniya nito? Napapaisip tuloy siya.

Hanggang makalabas ng establisyemento ay hindi sila magpapansinan. She stood outside, when she saw a taxi coming, agad agad niya itong pinara.

"What are you doing?" Napataas ang kilay niya, nakasunod pala ang lalaki.

"Pumapara, uuwi na ako." She answered straightforwardly.

"Remember you'll meet Denise today? I'll send you to her pad." Napapikit siya ng mariin. She completely forgot about it! Napabalikwas naman siya nang bumisina ang driver ng taxi.

"She's not going to ride with you." Agad-agad siyang hinila ni Sebastian, as usual. Nasa harapan ng building ang kotse nito at agad naman silang pinagbuksan ng driver.

Pagdating sa condo ni Denise ay impit na tili ang bumungad sa kanila. "I'm so excited!" Napailing-iling si Sebastian at napangiti naman si Emilia sa reaction nito. Denise's excited whenever she visits her. Natuwa naman doon si Emilia. She feels like her presence is wanted.

"I'll be leaving. Here's your card." Emilia blinked at inabot ang card na binigay ng lalaki. It's a black card! A luxury card! Mas maningning pa sa bituwin ang mga mata niya ngayon. Never in her life she thought of owning or even touching one. Pero heto nga at nasa kamay na niya ngayon.

"Denise, keep an eye on her. Baka mga baduy ang pagbibilin niyan." Emilia scowled at the guy's remark. Pati taste niya sa damit ay nilait na din nito, lahat na lamang. Pumangalumbaba naman si Denise na animo'y may iniisip.

"Kuya, samahan mo na lang kami! You know, para alam namin ang taste mo. Like kung ano ang baduy sa hindi." Excited na sabi ni Denise. Emilia found it weird. Why is Denise suddenly inviting Sebastian? At bakit ang taste ni Sebastian ang mahalaga, hindi naman siya ang magsusuot nito. At isa pa, baka mainip lamang si Sebastian. Ilan lamang iyon sa mga naiisip niya.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon