Chapter 30
Emilia was surprised dahil hindi siya ginising ni Sebastian ngayon. Should she be happy or not? Pagkagising niya napagtanto na nakatulugan niya pala si Sebastian. Sa tagal ng yakapan nila ay she felt very comfortable at hindi niya na namalayan na nakatulog na siya. Natuwa naman siyang isipin na ito ang bumuhat sa kan'ya sa kama, sa kauna-unahang pagkakataon.
Nag-inat siya at humikab. Wala na si Sebastian sa kaniyang tabi, pagsilip sa orasan ay 1:07PM ang bumungad sa kaniya. She's been sleeping for that long? Sabagay, late na late naman na din siyang nakatulog dahil sa usapan nila kagabi. Isang himala na lang at hindi siya ginising ni Sebastian.
Pagkababang-pagkababa niya ay bumukas ang pinto at iniluwa si Sebastian. "You slept for so long, you missed lunch and breakfast." She felt the hot rush on her cheeks. Nag-aalala na ba ito sa kan'ya ngayon? Iyon ang dating sa kaniya.
"Eh bakit hindi mo ako ginising? Palagi mo naman akong ginising, hindi ba?" Tanong niya nang ngiting-ngiti. Naramdaman talaga niya na gumagaan na kahit papaano ang kanilang samahan, umaayos na rin ang pakikitungo ng lalaki sa kaniya kahit papaano.
Tumang-tango ang lalaki sa kaniyang sinabi. "Exactly, hinayaan na lang kita ngayon because you accompanied me last night." Napakagat naman ng labi ang babae. Wala mang kahulugan ang sinabi nito ay nagbigay parin sa kaniya ng kilig. Pakiramdam niya kasi ay considerate ito sa kaniya. "You better get dressed, I'll take you somewhere." Pagkasabi ng lalaki ay lumabas ito bago pa siya makapagsalita.
Nagtatalon naman si Emilia. Gusto niyang magwala. Unti-unti nang natutunaw ang yelo sa kanilang balikat. Improvement, eka nga.
Pagkaligo ay nagbihis siya nang isang leather skirt na hanggang hita na may zipper na disenyo sa gilid, pinarteran ng sleeveless croptop at peep toe heels. Hindi niya alam kung saan ito nakuha ni Denise pero lahat ng damit na naririto ay sumisigaw ng liberidad.
"I'll take you somewhere." Um-echo ang boses ni Sebastian sa kaniyang isip. Ibig sabihin ba nito'y may date sila? Kinikilig siyang napapikit ng mariin at ngumiti.
Itinaas na lamang niya ang kaniyang buhok sa isang bun at hinayaang malaglag ang ilang strands nito. Agad na siyang lumabas pagkatapos mag-ayos, mukhang maganda ang pasok ng Abril sa kaniya.
Nakasandal naman si Sebastian sa dulo ng hagdan na mukhang nag-aantay sa kaniya. Nang mapansin ang kaniyang presensiya ay nag-angat ito ng tingin. Nahihiyang umiwas si Emilia dahil baka malaglag lamang siya sa hagdan sa pagtitig sa lalaki.
Pagkarating sa baba ay agad nitong pinagsalop ang kanilang mga kamay. Ramdam ramdam ni Emilia ang sensasyong dumadaloy sa kaniyang ugat, taken aback by Sebastian's action.
Nang makasakay sa kotse ay binitawan naman ito ng lalaki. "Tour Eiffel." Isa lang ang pumasok sa isip ni Emilia, Eiffel tower. Kumukulo na ang tiyan niya sa gutom dahil hindi pa siya kumakain. Naiibsan lang ito dahil sa nararamdaman niyang mga paro-paro rito.
"You hungry?" Napalingon siya kay Sebastian nang magsalita ito.
Kagat labi siyang tumango. Umiwas sa kaniya ng masid ang lalaki at tumingin sa driver. "Plus rapide." Bumilis naman ang pagpapatakbo nito. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa pangunahing atraksiyon ng Paris, ang Eiffel Tower.
Hindi maisara ni Emilia ang nakaawang na bibig nang masilayan ito ng malapitan. Noo'y sa mga larawan at magazine lamang niya ito nakikita, pero ngayo'y nasa harap na niya ito na dati'y pangarap niya lamang.
BINABASA MO ANG
Bride for Hire
General FictionEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...
