Chapter 37

9.7K 239 25
                                    

Chapter 37

Excited binaybay ni Emilia ang daan palabas ng airport. Kakalapag lamang ng kanilang eroplano ilang minuto mula ngayon, at gusto na niyang makasama muli ang pamilya at sina Denise.

Hindi niya alam kung ano ang nag-aabang sa kaniya rito, ngunit higit pa sa alapaap ang kaniyang kasiyahan. Natupad ang kaniyang kagustuhan na maging memorable ang kanilang huling araw sa Paris.

Napaangat ang tingin niya kay Sebastian at napangiti nalang siya at sumandal sa balikat ng lalaki.

"Welcome back ho, madame at monsieur." Nakangiting bati ng driver ni Sebastian. Sabik na sabik siya habang umaandar ang sasakyan.

Hindi rin nagtagal at nakarating na sila sa mansion. As usual, sumalubong sa kanila ang hilera ng nga katulong. Ang isa nama'y inakay sila patungo sa dining hall, kung saan nandodoon ang pamilya ni Sebastian, kasama na ang mga pinsan nito.

"Welcome back!" Nangingibabaw ang boses ni Denise sa lahat. Sinalubong pa nito si Emilia ng isang mahigpit na yakap. Masayang masaya naman itong sinuklian ni Emilia.

Matapos ay hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi na para bang may iniinspeksiyon. Bumaba ang kamay nito sa kaniyang tiyan at kinapa kapa ito, na nagpataas sa mga kilay ni Emilia.

"Denise, are you being serious right now?" Tanong ni Sebastian na nakapagpahagikhik kay Denise.

"Oo nga 'no," Pumameywang ang babae at humarap sa kapatid. "We'll go to the ob-gyne nalang." Umalingawngaw ang tawanan sa silid at napayuko na lamang si Emilia.

"Magandang bungad nga 'yan, Denise," Nakangising sabi ni Therese habang umiiling-iling. "Sama ako!" Muli, nagpatawa ito sa mga tao sa silid. Napatawa na lamang din si Emilia.

Nagsimula ang masayang kainan. Ano pa nga ba, lahat na ng puwedeng itanong ay tinanong na nila na para bang nasa hot seat ang dalawa.

"How was it? Did you guys made the most out of it, or do you need another trip?" Kanina pa ang sunud-sunod na tanungan ni Denise. Halatang curious na curious ito.

"It was splendid. Of course, if there'll be a chance I'd love to do it again." Bahagyang lumaki ang mga mata ni Denise sa sinabi ng kapatid pero agad din naman itong nakabawi. Napalitan ang pagkagulat nito ng isang malaking ngisi sa mukha.

Tumingin pa ito kay Emilia bago magsalita, isang tingin na nagsasabing madami kang dapat ikuwento sa akin.

"So, does that mean I'm gonna be a tita na talaga?!" Denise squealed, kaunti na lang ay manigas na ito sa nararamdaman.

Natatawang lumingon si Sebastian kay Emilia, na napangiti na lang din habang pinamumulahan ng pisngi. "We'll tell you soonest, Denise." Makahulugang tingin ang ibinigay ni Denise kay Therese, na abot mata ang ngiti.

"You better do, para makapaghanda na kami ng baby shower." Napatawa na din si Emilia sa sinabi ni Therese. The thought of a baby seems like an another stage. Kumbaga, sa ngayon, mag-girlfriend at boyfriend pa lamang sila sa totohanan. 

"Most importantly, did you enjoy? Did you spend a lot of time together?" Pagtatanong naman ni Dennis. Mabuti na din at nabaling nito kahit papa'no ang usapan. Muling sumilay sa mga labi ni Emilia ang isang matamis na ngiti sa pag-alala ng kanilang mga memorya sa Paris.

"Opo, sobra. Si Seb ba naman po ang tour guide ko." She absent-mindedly leaned on Sebastian's sides. Happiness, nothing but mere happiness is all she feels. She silently hoped that it would last.

"Obvious nga. Gusto ko tuloy magka-family trip, let's visit lolo and lola some other time." Tumatango-tangong sabi ni Greg. Mukhang naiinggit pa ito sa mga kuwento ng mag-asawa at nais din magpunta sa nasabing lugar.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon