Chapter 25
Few more days have passed and this is the day everyone have been waiting and preparing forㅡ the wedding day.
Mabilis lumipas ang mga araw at ang puspusan na mga preparasyon para dito ay magaganap na. In those days, Emilia endured every cold treatment she gets from Sebastian. She somehow got used to it, ang pagiging hangin kapag nasa paligid si Sebastian.
"Where are your parents, hija?" Tanong ni Dennis, kasalukuyan siyang inaayusan sa isa sa mga kuwarto sa mansion. Therese is also inside na ayaw siyang iwanan, very supportive ito na para bang ito ang maid of honour.
"Dennis, they can't make it today. Personal matters." She wants to thank Therese so much, ito ang lifesaver niya sa trabahong ito. "So if you may, accompany her to the altar." Tumango-tango naman si Dennis bilang pagsang-ayon. Laking ginhawa para kay Emilia nang hindi na ito nagtanong pa.
"Of course." Pasasalamat niya at mababait ang mga magulang ni Sebastian, malaki ang naging tulong nito sa komplikado nilang situwasyon. "I'll be out in a minute." Lumabas ito na may katawagan sa telepono. Therese held her hand, magkatabi kasi silang inaayusan.
"I can't believe my son is getting married." Therese said with a smile. Halata ang galak sa hitsura nito. Napangiti din siya, thinking about marrying Sebastian is driving her wild. She finds it funny na dati ay ayaw na ayaw niya pa itong pakasalan. Pero nandito siya ngayon, feeling very privileged to marry him kahit ito ay base lamang sa kontrata.
Nakangiti siyang napailing. Everything happened so fast, at ngayong ikakasal na sila ay dapat masaya siya pero hindi niya magawa. Kinakabahan siya at maraming tanong sa kaniyang isipan. Hindi nga niya alam kung ano na ang mangyayari pagkatapos nito, kung magsasama ba sila sa isang bubong at magho-honeymoon gaya ng sabi ni Therese, o gagawin ang nasa kontrata? She always asked the man but he never gave her an answer.
Her emotions are whirling inside her. Ganito na ba ang pakiramdam ng ikakasal? She feels uneasy, excited, anxious, delighted, and every emotion she could think of na para bang isa siyang totoong bride. She can't help but take everything too seriously.
She is about to pull the biggest stunt of her life. Never in her life she imagined that she would marry a man for a job.
Few moments later ay tapos na siyang ayusan. This was the best look of her life so far. A chic braided bun at mahusay na makeup na mukhang natural lang, pero na-enhance nang husto ang kaniyang features.
"Emimimi!" Bumukas ang pinto at humahangos na pumunta sa kaniya si Sheryl na ayos na ayos na rin.
"Oh my gosh! Ang ganda mo!" Niyakap siya nito at niyakap naman niya ito pabalik. "Hay gaga ka talaga, tignan mo nauna ka pang ikasal sa'kin!" Nangigilid luha nitong saad. Pinisil naman ni Emilia ang tagliran niya at napaupo sa kama. Maski siya ay hindi rin makapaniwala.
It all feels like a fever dream. Marrying a man she likes, but she is paid to do so, and the man she'll marry dislikes her. It is a one hell of a plot.
Nagpaalam naman lumabas si Therese kasama ang mga makeup artist. She's left alone with Sheryl. Nakakatawa nga naman, noon lang ay nauna pang mag-announce ang kaibigan na ikakasal ito. Pero ngayon ay naunahan niya pa sa paglalakad sa altar ang babae.
"Fake naman to, hindi din counted." Emilia whispered softly.
Pumamaywang si Sheryl at naupo sa tabi niya. "So, gusto mong totohanin na?!" Her friend's question caught her off guard. Gusto nga ba niya? "Nako, umamin ka sa'kin ha. In love ka ba kay Sebastian?" Napatayo siya sa tanong nito. Her insides got wild with the question. Tila nagsimula siyang mag-panic.
BINABASA MO ANG
Bride for Hire
Ficção GeralEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...