Chapter 29

10K 225 32
                                    

Chapter 29

"H-Ho? Sa'n niyo naman po n-nakuha 'yan? Si 'nay t-talaga oh, wala pa sa bokabularyo ko ang p-pagpapakasal." Nagkakamot batok niyang saad while walking back and forth. Sa puntong ito ay nababalisa na si Emilia. Wala naman siyang maisip na paraan o rason para malaman ng ina ang kasalang naganap, in fact, that's the least she's expecting.

Narinig niya ang buntong-hininga nito, na mas nagpakaba sa kaniya. She knows this is going to be serious. "Anak. Ikaw ba 'tong nasa d'yaryo?" Napahinto siya sa paglakad. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, mayroon nga palang media na umaaligid kay Sebastian.

Of course, it makes sense. Their family owns one of the most powerful company in the world. She didn't think that far.

Napapikit ng mariin ang kaniyang mga mata at napasapo ang kamay sa bibig. "D-D'yaryo ho?" She gulped. Hindi niya naisip ang bagay na iyon.

Ang bilis nga naman ng balita, at sa lahat pa ng nakakaalam ay ang kaniyang ina pa. Sabagay, mahilig din naman ito magbasa ng pahayagan. It's just that siya ngayon ang nakapaskil sa diyaryo. It changes things for her.

"Emi. Kilala kita, magsabi ka ng totoo." Tensiyonado niyang kinagat ang daliri. Para lamang siyang nasa hot seat. Sa kasalang ito, ang hindi niya inaasahang makaalam ay ang kaniyang ina. She did everything she can to conceal it, madalang nga niya ito kontakin upang hindi siya madulas. 

Kampante rin siya na hindi makakarating ang kasalan sa pamilya niya dahil malayo naman ito sa kaniya. Ngunit heto nga at nahuli pa rin siya.

Bumuntong-hininga si Emilia at napaupo na lang muli sa sofa. "O-Opo, 'nay. M-Magpapaliwanag ho ako."Emilia is panicking deep inside. Wala pa man din siya sa Pilipinas ngayon.

 Itinukod niya ang ulo sa kamay. Alam niyang dismayado ang kaniyang ina, magpakasal ba naman ang anak mo nang hindi ka sinasabihan. Masiyado palang magulo ang trabahong kaniyang pinasok, na lalong nagulo dahil nakarating ito sa kaniyang ina. She didn't even think about this, that it'll be this complicated.

"Anong pumasok sa kokote mong bata ka? Sino ba 'tong napangasawa mo? Bakit nakalagay pa sa d'yaryo?" Emilia shuffled her feet on her seat, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa ina ang kalokohang ito, alam niyang mahihirapan itong intindihin lalo na't nabigla ang kaniyang ina.

"M-Mahirap po ipaliwanag. Mabuti lang po ako, makakakuha ho kayo ng kasagutan sa lalong madaling panahon. Bye, mahal ko kayo." She hang up, sighing. Na-gui-guilty siya sa pakikipag-usap sa ina, sa lahat ng posibilidad ay hindi niya naisip na malalaman nito ang pagpapakasal niya. Her mind was so occupied that she wasn't able to sort things up.

Bago patayin ang cellphone ay napansin niya ang lock screen ng lalaki. Ngiting-ngiti ito, ngiti na hindi niya nasilayan kailanman. Ngiting napakagandang pagmasdan. May babaeng nakasubsob sa kaniyang dibdib, na hindi niya maaninaw ang mukha. Nakabeanie ito at ang kita lamang ay ang kulay ng buhok nitong blonde. Sa pagtitig pa lang sa larawan ay nakaramdam siya ng kirot sa puso. 

Bakas ang kasiyahan sa mukha ng lalaki, kasiyahang kahit kailanma'y hindi niya nakita mula rito.

Nanlalata siyang umakyat sa kanilang kuwarto ni Sebastian. Nakaupo lang ito sa balcony at umiinom pa rin ng alak. Iniabot niya ang telepono dito ng may malungkot na ngiti sa kaniyang labi. "Salamat." Simpleng usal niya, kinuha naman ng lalaki ang cellphone at tumango.

Naupo siya sa katabi na upuan nito. Ilang minuto din silang natahimik, nakatitig lang sila sa malawak na yard. Maraming bumabagabag sa isip ni Emilia. Naghalo-halo ang lahat sa kaniya sa gabing ito.

Ano ang idadahilan niya sa ina? Paano niya ito ipapaliwanag? Maiintindihan ba nito? Sino ang babae? Ex niya ba ito? Bakit hindi nalang ito ang pinakasalan ni Sebastian? Bakit siya nasasaktan ng ganito?

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon