Chapter 32
Makalipas ng ilang segundo ay napaiwas ng tingin si Sebastian mula sa pagkakatitig sa kaniya. "I..." The man pursed his lips before continuing his sentence. "I think I'm ready to grab the next bar." Ngumiti ito at lumipad muli ang tingin sa kaniya. Sa hindi malamang dahilan, lumukso ang puso ni Emilia sa narinig. Napatulala na lamang siya sa lalaki.
"Come, come." Tumayo si Sebastian at iniabot ang kamay sa kaniya. Kukurap-kurap itong tinanggap ni Emilia, pilit na ibinabalik ang ang sarili sapagkat iba ang naging tama ng mga salita ng lalaki sa kaniya.
"Uuwi na ba tayo?" Tanong ni Emilia na may bahid ng halo-halong emosyon. Nag-iinit ang kaniyang mukha sa pagiisip pa lamang sa pinagsalop nilang mga kamay, nais niya pang makasama nang matagal ang lalaki, tutal ay lumulubog pa lang ang araw.
Every experience she had in Paris was great so far. Her and Sebastian seemed good, their relationship improved a lot. Malaki ang ginampanan ng honeymoon na inorganisa ni Therese, naka-bonding at mas nakilala pa nila ang isa't isa.
Umiling ang lalaki bilang sagot sa tanong ni Emilia. She felt relieved, ibig sabihin ay may iba pa silang pupuntahan. Nang makarating sa labas ng garden ay naroroon ang driver nito na agad silang inakay patungo sa kotse.
"Tour Montparnasse." Ani ni Sebastian pagkasakay nila. Parang narinig niya na iyon, hindi niya lamang maalala kung saan, pamilyar iyon sa kaniyang mga tainga.
"Nag-enjoy ka ba, Sebastian?" Nakangiti niyang tanong rito. For her, she did really enjoy. Bukod sa gusto niya ang mga hardin, masaya siya na nakasama niya si Sebastian sa paglilibot dito.
Mahalaga ang bawat araw niya na nakalipas sa Paris. Hinding hindi niya malilimutan ang mga iyon. Hiling nga lamang niya ay kapag makauwi na sila ng Pilipinas ay hindi magbago ang kung ano man ang pakikitungo nila sa isa't isa dito sa France.
Dahang-dahang tumango si Sebastian na mas nakapagpalawak ng kaniyang ngiti. She's happy that her little idea of leisure made him delighted. Higit na mas mainam ito kaysa nakatunganga lamang sila sa bahay, sayang din ang araw na puwedeng punuin ng masasayang alaala.
Huminto ang sasakyan matapos ng ilang minuto. Bumaba ang lalaki na sinundan naman niya. Agad niyang inilibot ang paningin sa lugar pagkababa. Isang nakakalula at matayog na building ang nasa kaniyang harapan, itim na itim din ang kulay nito.
Doon lamang niya na-realise na ito ang establisyimentong itinuro sa kaniya ni Sebastian noong nasa elevator sila sa Eiffel tower, kaya pala pamilyar ang pangalan nito. Kulay pa lang ng building ay naiiba na sa lahat ng iba pang establisiyemento sa lugar.
Kumapit siya sa braso ni Sebastian at sabay nilang tinungo ang loob nito. Nakakapit lamang siya kay Sebastian habang luminga-linga sa paligid. The streets look so busy. It made her think kung ano ang nasa loob ng building na ito, madalang rin kasi ang pumapasok dito.
Maikling linya ang sumalubong sa kanila pagpasok. Kinakausap ni Sebastian ang babae sa loob ng transaction window, hindi niya maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito kaya nagmasid na lang siya.
Sa taas nito ay may nakalagay na 'Welcome to the top of Paris'. Mga katagang nagpasabik kay Emilia. Kung titignan nga ay ito ang pinakamataas na building na nakita niya sa lugar, kaya naman hindi na siya makapag-antay kung ano ang madadatnan niya rito.
Matapos ang ilang minuto ay bumaba sila sa isang hagdan, pagkababa roon ay may hilera ng itim na pintuan ng mga elevator sa dingding na grey. Bumukas ito at mayroong mga asul na ilaw ang bumabalot sa lift.
"This is the fastest elevator in Europe." Dinig niyang sabi ni Sebastian. Na-excite tuloy siyang sumakay rito, thinking about experiencing to ride this in the said continent made her feel flattered and fulfilled. Hindi niya kasi in-e-ex[ect na mararanasan niya ito sa buong buhay niya.

BINABASA MO ANG
Bride for Hire
General FictionEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...