Chapter 38

9.8K 243 54
                                    

Chapter 38

"Hoy! Gaga ka! Ni hindi ka man lang nag-text o tumawag. Ano ha, porke may Sebastian ka na? Nako, kurutin ko singit mo d'yan." Napailing si Emilia sa bungad ni Sheryl 'pagkasagot na 'pagkasagot nito ng tawag niya.

"Pagod lang po kaya nga tinawaganㅡ"

"Dati lang dina-drama-han mo ako ta's ngayon nangibang bansa ka lang kasama siya, ni ha ni ho wala akong narinig sa'yo?!" Mabilis na pagpuputol ng kaibigan sa kaniyang sinasabi.

"Eto na ngaㅡ"

"Nakakatampo, pagpalit ba naman ang beauty ko kay Sebastian. Ang sakit sa pride, dignidad, konsensya, kilos-loob, utak, puso, baga. Masakit. Masakit na ipagpalit ka." Nakangiting umikot ang mga mata ni Emilia habang hawak ang telepono sa emosyonal na lintanya ng kaibigan. Alam naman niyang sabik lang ito, nag-aabang ng kwento at pag-bonding nilang dalawa.

"Eh kung pagsalitain mo muna kaya ako? Artistang 'to." Natatawa-tawa niyang sabi. Daig pa kasi ni Sheryl ang naglilihi kung makapagsalita ito.

She heard the clicking of Sheryl's tongue in the other line, na napalitan agad ng hagikhik. "Joke lang, kahit kailan talaga 'di ka tinatablan ng acting skills ko. Pero anyway.." May maikling katahimikan pagkasabi niyon ni Sheryl. Pabitin effect, isip ni Emilia.

"Kumusta? Malaki ba, I mean mahaba? Magaling? Mabilis o mabagal?" Sunod-sunod na sabi ni Sheryl na para bang sabik na sabik pa. Nasamid naman si Emilia sa pinagsasasabi ng kaibigan. Everyone is suddenly interested on her sex life the moment she came back.

"Ang gaga mo talaga, Sheryl! Hindi naman gano'n, ano!" Luminga-linga siya sa paligid, laking pasasalamat niya na nag-iisa lamang siya ngayon sa living room sa second floor ng bahay nila ni Sebastian.

Speaking of Sebastian, maaga itong umalis dahil full time at hands on na ito ngayon sa kompanya. Mas magiging busy ang lalaki dahil ito na ang mag-ha-handle ng company pag ito ay na-turn over na sa lalaki.

"Eh ano? Aba, natural iyon ang iisipin ko! Maryosep. Honeymoon nga." Singhal nito. Hindi naman niya ito masisisi, pilya ang kaniyang kaibigan.

Tumayo siya mula sa sofa bago sagutin ang kaibigan. "Porke honeymoon eh, kapusukan agad? Madami akong ikukuwento, magkita tayo sa dati." Nakangiti niyang saad. Hindi maipagkakait na na-miss niya ang kalokohan ni Sheryl. Iba pa rin talaga sa Pilipinas.

"Mabuti pa nga, maghanda ka naㅡ" Bago pa ulit makapaglintanya ang kaibigan ay ibinaba na niya ang tawag at agad ding nag-ayos. Oras naman para mag-hangout muli silang magkaibigan.

✿❁❀✿❁❀✿

"Oh my golly! Buntis ka, 'no?!" Agad nagsalubong ang kilay ni Emilia sa bati ni Sheryl. Wala naman itong pinagbago, kun'di ang mas pagluwag ng turnilyo sa utak.

Napayakap nalang siya dito ng mahigpit bilang salubong. "Good morning din, Sheryl." Natatawa niyang saad bago kumalas sa yakap.

"Sorry na, blooming mo kasi." Kung hindi ba naman siya maging blooming sa ginagawa ni Sebastian sa kaniya.

Lahat ng kanilang kakilala ay pinaghihinalaan na siya'y buntis, may alam man sa kontrata o wala. Sumobra ang mga ito sa pagkasabik, dalawang linggo lamang silang nawala ngunit inaasahan agad ang isang batang hindi pa naman sinisumulang gawin.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon