Chapter 28

10.1K 207 28
                                    

Chapter 28

"M-Mémère." Mas lalong nasindak si Emilia nang mabasag ang boses nito habang patuloy ang pag-agos ng luha. Napahigpit na lang ng kapit niya sa braso nito at bahagyang napakagat ng labi, hindi alam kung ano ang irereact.

[ Translation : "Grandma." ]

Bakas sa matandang babae ang panghihina, may nasal cannula na nakakabit dito. Sobrang payat din nito at namumutla ang itsura. Apart from that, she smiled warmly. A smile that is very familiar to Emilia, iyong ngiti ni Denise at ni Therese. Guess it runs in the genes.

"Mon rayon de soleil." Kumikinang na matang sabi ng matanda sa paos na boses. Emilia doesn't understand what they're saying but the scenario is warming her heart, may humahaplos sa kaniyang puso. Reaction pa lamang nila ay naaantig na ang kaniyang damdamin.

[ Translation : "My ray of sunshine." ]

Agad na lumapit dito si Sebastian at sinunggaban ito ng yakap. Niyakap ito pabalik ng matanda at tinapik-tapik ang kaniyang likod. Nais din niyang maiyak nang marinig ang hagulgol ng lalaki, na hindi niya inaasahang marinig sa tanang buhay niya. Ngayon lang niya nakitaan ng ganitong emosyon si Sebastian.

"Je suis désolé, je suis tellement désolé. Je suis profondément désolé. C'est ma faute." Sunod-sunod na banggit nito. Kumawala ito sa yakap at hinawakan sa magkabilang balikat ang matandang babae.

[ Translation : "I'm sorry, I'm so sorry. I'm deeply sorry. It's my fault." ]

Umiiling-iling at matanda at hinaplos ang pisngi ni Sebastian. "Ne dis pas ça, mon chou." Masuyo nitong hinalikan ang noo ng lalaki.

[ Translation : "Don't say that, my sweetie. ]

"Tu m'as manqué. Beaucoup." Nakangiti lang ang babae at pinunasan ang luha ni Sebastian. Ngiting parang hindi nahihirapan sa kalagayan, ngiting nakakagaan ng pakiramdam.

[ Translation : "I missed you. A lot." ]

"Tu m'as manqué aussi." A beautiful sight this is. Emilia smiled, hindi man niya mahinuha ang mga salitang binibigkas ng mga ito ay nadadala siya sa eksena. Lalo na at parang hindi si Sebastian ang lalaking umiiyak ngayon sa kaniyang harapan. Ibang lalaki ang kaniyang nakikita. 

A fragile one that is not afraid to reveal his true self behind a mask.

[ Translation : "I missed you too." ]

"Bonjour." Sabi ni Lucas sa kaniyang tabi sa isang mababang tono. Napalingon siya dito, nakatulala na pala siya sa mag-lola. Ngumiti siya sa lolo ni Sebastian na nakatayo sa kaniyang tabi. Dumampi ang hinlalaki nito sa kaniyang pisngi at pinunasan ang kaniyan luha. Hindi niya namalayan na umiyak na pala siya.

[ Translation : "Hello." ]

"Follow me." Sumenyas ito sa kaniya at pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman siya na nagpapahid ng luha.

Diretso itong naglakad sa kaliwang gawi ng sala kung saan may frame ng pinto na pinasok nila. Ito ay isang simpleng dining hall lamang. Sa kanan nito ay may naglalakihang double door, sa kaliwa naman ay isang door frame muli.

Umupo ang matandang lalaki sa dulong bahagi ng lamesa. Anim na tao ang kakasiya rito. Naupo naman siya malapit rito.

Agaw pansin din ang floor to ceiling windows sa kaniyang harapan. Mula rito ay tanaw niya ang isa pang swimming pool at iba't ibang klase ng puno na ang sarap tignan. Sa tingin niya ay iyon ang backyard ng mansion.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon