Chapter 7

14.2K 246 4
                                    

Chapter 7

Pagkalabas ay bumungad sa kanila si Darius at Sheryl. Si Sheryl ay nakahawak sa tainga ng lalaki na siya namang nakangiwi. "Sorry na talaga babe." Nag-mamakaawa nitong sabi ngunit mas diniinan lang ni Sheryl ang pagpingot dito at pinanlakihan pa ng mata ang lalaki.

"Darius." Sumulyap si Emilia kay Sebastian at napansin naman ng mag-nobyo ang presensiya nila. Agad binitawan ni Sheryl si Darius at napatuwid ng tindig. Alanganin namang napangiti ang lalaki habang minamasahe ang namumulang tainga.

"Kinausap ko na siya. 'Wag ka mag-alala, Emi. Babangasan ko rin 'to." Sheryl said with Emphasis. Sa katunayan ay nahihiya siya sa kaibigan. Hindi naman kasi siya kinonsulta ng nobyo ukol dito

Umiling-iling na lang si Emilia bilang sagot. Wala siyang mahanap na salita para sa situwasyong ito. It all feels weird to her.

"Double time." Dinig niyang usal ng lalaki sa kaniyang gilid. Sumulyap ito sa relos, na tinitignan palang niya ay nasisilaw na siya sa presyo. Nagmamadali itong naglakad at sumunod naman siya dito.

"Babe naman eh!" Rinig niya pang usal ni Darius. "Sorry na kasi." She chuckled as she was walking. Mukhang may LQ ang dalawa. Hindi naman na bago ang eksena sa kaniya. Gusto kasi palagi ng kaibigan ay sinusuyo ito.

"Saan ba tayo pupunta?" Ani ni Emilia nang makasakay sila ng elevator. Sumulyap lang muli si Sebastian sa orasan niya at nagsalubong ang kilay.

"'Uy, saan nga?" Sambit muli ni Emilia nang hindi ito sumagot matapos ang ilang segundo. Prenteng nakapamulsa lang ang lalaki, completely ignoring her presence. Parang wala itong nadidinig.

May lahi ba 'tong estatwa? Bulong niya sa isip. Muntik na siyang matawa nang sumagi sa isip na bagay itong maging mime.

Humarap siya sa pader ng nakahalukipkip. Hindi siya sanay sa ganitong katahimikan, it makes her uncomfortable. "Suplado, e 'di siya na guwapo." Emilia said na animo'y kausap ang dingding ng elevator.

"What?" Liningon niya ang lalaki na nakataas ang kilay. Himala na nag-respond ito.

"So gusto mo pang tawagin kang guwapo bago ka sumagot? Saan kako tayo pupunta? Or gusto mo English? Where are we going? Clap! Clap! Clap!" She said, imitating Dora. Kailangan niya talagang pahabain ang pasensiya niya. Hindi niya alam kung ganito ba talaga ang lalaki o kung talagang ayaw lang talaga sa kaniya nito. Either way, she has to know how to keep up with him. Kung hindi ay mawawala siya sa sarili.

"Damn, you talk too much. We're going to my sister's place. Then we'll attend a party after." Sakto namang bumukas ang elevator. Ibinaba sila nito sa parking lot ng establisyemento.

She crossed her arms to her chest habang pinapanood niya itong maglakad, na kulang na lang ay tumakbo. He walks really fast. Parang laging may hinahabol. She can't keep up with his pace kaya't huminto na lamang siya. Malamang ay hindi rin iyon mapapansin ng lalaki.

Pinanood niyang pagbuksan ito ng driver. "So kapag pader kinakausap ko, sumasagot siya? Ano naman ang logic do'n." Bulong niya habang nakakunot pa ang noo. unti-unti niyang sinusubukang intindihin ang ugali ng lalaki ngunit mukhang ito na ang pinaka-komplikadong bagay na nabuhay sa mundo.

Natanaw naman siya ni Sebsatian na nakatayo, hawak-hawak ang pinto ng kotse. Agad na nagsalubong ang kilay nito at sineyasan siyang pumunta doon. She just raised her eyebrows and stayed there. Ngayon lamang siya napansin nito.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon