Chapter 18

11.8K 248 23
                                    

Chapter 18

Emilia woke up early not as the usual which is a kind of a miracle for her. Kakatapos lamang niyang maligo at kasalukuyan niyang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya.

Agad napakunot ang noo niya nang may magdoorbell. Isinukbit niya ang tuwalya sa balikat at tinungo ang pinto.

Luminga linga siya sa paligid ngunit wala naman siyang nakitang tao. Naningkit ang mata niya. Ganito sa horror movies eh! She shrugged. Bago pumasok ay natanaw niya ang isang papel sa sahig. Kunot noo niya itong pinulot.

I'm watching you.

Tatlong salita na nakasulat sa papel na nagparamdam sa kaniya ng kilabot. Gusto man niyang gawing biro ito at isiping may stalker siya ay 'di niya magawa. Dahan-dahan siyang tumalikod at pumasok sa unit habang hawak ang papel.

"Hey." Before closing the door, a familiar voice echoed to her ear which startled her.

"Ay stalker!" Napasapo siya sa dibdib sa gulat. Ang isip niya ay nanatili sa mensaheng natanggap.

She saw Sebastian's face the moment she turned around. Agad naman siyang nakaramdam ng hiya dahil naalala niya bigla ang mga pangyayari kahapon. Due to her reflexes, she slammed the door shut. Agad napalitan ang kaba mula sa mensahe ng pagkahiya nang makita ang lalaki.

She let out a frustrated sigh. Napitlag naman siya nang tumunog ang intercom. "Hey. Let me in, unless you just want to waste the things you bought?" She shut her eyes tightly. She puckered her lips at padabog na binuksan ang pintuan.

Tahimik nitong pinasok lahat ng mga pinamili niya kahapon. Out of embarrassment, nawala na sa isip niya ang mga groceries niya. Nakaupo naman siya sa sofa, trying to look busy by scanning a magazine. As much as possible, gusto niyang iwasan ang lalaki, she can't bear to face him.

"Okay na." Sebastian said. Emilia nodded without even glancing at him. 

"Salamat." She replied briefly. Napakagat siya ng labi, now she couldn't even look at Sebastian without thinking about the scenario yesterday.

Napaangat naman siya ng tingin nang makitang nakasandal lang ito sa doorway papuntang kusina. Imbis na sa mukha ni Sebastian siya nakatingin, kung saan saan lumilibot ang mga mata niya. "P-P'wede ka na umalis." Mabilis niyang ibinalik ang masid sa magasin.

"Strange," Unti-unti na siyang nakakahinga ng maluwag nang naglakad ito, thinking na lalabas na ang lalaki. "I'm not going to ask because I know you're avoiding me." She flinched nang maramdamang maupo ito sa kaniyang tabi. Akala naman niya ay aalis na ito, nagawa pa talagang tumabi sa kaniya kahit na alam naman nito na umiiwas ang babae.

Unconsciously, napadasog ng upo si Emilia. Nahulog naman ang papel na naglalaman ng mensahe kanina. She immediately picked it up. "What's that?" Tanong ni Sebastian. Inipit naman ito ni Emilia sa magazine.

"Papel." She plainly answered without looking at him. Para bang natutuyo ang lalamunan niya kapag nakikipagusap dito.

Narinig naman niya ang pagtikim ng lalaki, baka mapikon niya pa ito sa inaasal niya ngayon. "I know, dense. What's in that paper?" Nalukot agad ang mukha niya nang marinig ang salitang dense. Padabog niyang ibinaba sa center table ang magazine at hinarap ang lalaki.

Her cheeks felt hot the moment she met his eyes. Para i-distract ang sarili ay tumingin na lamang siya sa dibdib nito. "'Di ko rin alam." She blurted out of nowhere. Hindi niya alam ang isasagot kaya iyon na lamang ang lumabas sa bibig niya. 

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon