Chapter 20
Pagkalabas ni Therese ay agad sumunod ang tatlo. "I totally support mom's plan!" Sambit ni Denise. Sabay na napabuga ng hangin si Emilia at Sebastian. The one's because of despair and the other one's because of feeling responsible for it.
Nang makapasok ay bumungad sa kanila ang iba't ibang kulay ng ilaw. The place is very elegant, marami rami na ding tao. "Kuya, Emilia, I'll go to my friends lang." Paalam ni Denise at agad na umalis.
Luminga-linga si Emilia. She's impressed, for a four day preparation this is really extravagant. Ambience pa lamang ng lugar ay makikita na isang malaking selebrasyon na ito.
A guy came to them and ushered them to the backstage. Magsisimula na raw ang party.
"You okay?" Emilia lightly stomped her right foot. Ilang minuto na lang ay tatawagin na sila ng emcee. A crippling feeling of nervousness crept inside her, she's thinking about the endles possibilities that could happen this night.
Alanganin siyang ngumiti sa lalaki. "Oo. Ninenerbyos lang." She had never been a fan of being in front of such huge crowd, sa harap ng mga taong sobrang yayaman.
Nakakapit siya sa braso ni Sebastian at sabay silang naglakad papunta sa stage. She was smiling as if everything's perfect, as if everything's real.
She just stood there and Sebastian did all the job, all the talking. Nagspeech ito at matapos niyon ay bumaba na sila sa stage at pumwesto sa isang table kung saan naroroon sina Therese.
Bahagya namang tinataas ni Emilia ang dress. Pangalawa beses pa lamang niya magsuot ng ganitong damit, at hindi pa rin talaga siya kumportable.
"Congratulations, son, Emilia." Tapik balikat na sabi ni Dennis. Ngiting-ngiti namang nakaupo si Therese sa tabi nito. They seemed really happy for them, which makes her feel guilty.
Sebastian pulled out a chair for her at naupo naman siya. "Your grandfather will be kind of late, something came up." Sambit ni Dennis. Muling bumalik ang kaba ni Emilia. What is his grandfather like? Napaisip siya. Baka naman ito 'yung kagaya ng mga naiisip niya na nasa drama. Ngunit so far, naging mainit naman ang pagtanggap sa kaniya ng pamilya ni Sebastian.
"How's the wedding preparations going?" Tanong ni Dennis kay Therese. Sila lang ang ikakasal na hindi gaanong hands on, parang si Therese pa nga ang ikakasal dahil sa sobrang hands on nito.
Therese answered with all smiles. "Very smooth, actually." They only have one month to prepare, and she's very thankful for having Therese dahil hindi niya alam ang gagawin kung wala ito. The woman's taking care of everything.
Few moments later, habang kumakain sila ay may dumating na matandang lalaki. This must be Sebastian's grandfather. Nagmano rito ang mag-anak, she was about to do it as well nang mariin siya nitong tinitigan.
Emilia's heartbeat increased rapidly. Kahit may edad na ay bakas dito ang pagiging kamukha ni Sebastian, ganito siguro ang itsura nito pagtanda. She just could see it.
"You must be the fiancee." She gently nod and let out a nervous smile.
"Nice to meet you po, I'm Emilia Cortes." Madala ka sa ngiti ko! Pagbibiro niya sa isipan upang mapawi kahit papa'no ang kaba.
Para siyang nabunutan ng tinik nang ngumiti ito pabalik. "Finally. The girl who ran into the wrong guy. I'm Lucas." She concealed her confusion with a smile. Nakipag-shake hands ito na agad naman niyang tinanggap.
Naupo ito sa tabi ni Dennis. Emilia's just smiling, grateful for the fact na madaling pakisamahan ang pamilya ng lalaki, na nagpadali sa trabaho niya. Dahil kung hindi, baka hindi niya makayanan ang lahat.
BINABASA MO ANG
Bride for Hire
General FictionEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...