Chapter 22
"Perfect, perfect!" Pumapalakpak na sabi ni Therese. Today's the fitting of Emilia's wedding dress. Mas excited pa nga si Therese sa kaniya, at bigay na bigay ito sa pagbibigay komento na parang siya ang maid of honour.
Tumagi-tagilid pa siya para makita ang kabuuan ng dress. She smiled, seemingly satisfied on how it looks on her. Isa itong sleeveless sweetheart long gown wedding dress, with silver details in the upper part. May kulay turquoise din itong belt. Simple lang ito tutal ay minimalist naman ang theme, and simplicity is indeed beauty.
Sa tatlong shop na napuntahan nila ay ito ang pinakanagustuhan niya. They have no time para magpatahi kaya minabuti nila na bumili na lang, and Emilia is trying so hard not to react about the price of the dresses. Mga designer brands kasi ito at kahit ang pinakasimpleng disenyo ay umaabot ng daan-daang libong piso.
"By the way, I haven't seen your parents, personally. Are they coming to the wedding?" Emilia was caught off guard by Therese's question. She mentally cursed, she almost forgot about this matter.
She straightened up at alanganing ngumiti. "They're busy po overseas. H-Hindi na po siguro makakarating." Palusot niya. Ito ang unang bagay na pumasok sa isip niya, hiniling niya na lang na sana ay hindi magtaka si Therese.
"Sorry to hear that." Hinaplos ni Therese ang buhok niya at bahagya nalang siyang ngumiti. Ngayon pa lang ay binabagabag siya ng konsensya. Napakabuti ng turing sa kaniya ng pamilya ni Sebastian, ngunit walang kaalam-alam ang mga ito na harap-harapan silang naloloko. Parang araw araw nga ay may paalala sa kaniya na may mga kapalit ang naging desisyon niya. "You look really good in that dress! I can't wait to see you walking down the aisle." Tuwang-tuwang sabi ni Therese habang hinahaplos ang damit. She seems really hyped about the wedding. Nahahawa tuloy siya dito.
"Thank you po." She said with a smile. Para talaga siyang ikakasal na tunay, pero ang katotohanan ay mawawala din naman siya pagkatapos ng seremonya. She constantly reminds herself that dahil minsan ay nadadala na rin siya sa mga pangyayari.
Therese smiled back at her. "For sure, Sebastian will drool." Her heart fluttered at Therese's remark. That's nearly impossible, si Sebastian pa na once in a blue moon siya i-compliment. Althoug hse admits that it is a really nice thought to dwell upon.
"S-S'yempre po!" She said na para bang head over heels sa kan'ya ang lalaki. Ngumiti lang si Therese at nagpaalam para kausapin ang assistant sa shop.
Napatingin siya kay Sheryl na tahimik lang na nakamasid sa gilid. Nilapitan naman niya ito at kinurot ang kaniyang pisngi. "Hoy Emilia ah. Baka nakakalimutan mo na trabaho lang 'yan." Pairap na sabi nito. Napanguso naman siya dahil parang karayom ito na pinutok ang kaniyang lobo ng imahinasyon.
"Opo, salamat sa paalala." Tinapik siya ni Sheryl sa balikat. She shall help herself, kaunting linggo na lang naman ay hindi na muli sila magtatagpo ni Sebastian.
Nagpalit na muli siya ng damit. Paglabas niya ay nakakahon na ang dress. Ang dress na isusuot niya sa araw ng kasal nila ni Sebastian. Kasal na malayo sa katotohanan.
It's been a really long day. They went to three shops at nakailang sukat din siya ng damit. Hindi naman siya nakaramdam ng pagod sa ginawa niyang iyon dahil nakakaramdam siya ng pagkasabik, kahit papaano.
Hindi naman sila nagkita ni Sebastian which is supposed to be a good thing for her pero para bang kulang ang araw niya. Doon niya rin napagtanto na nasasanay na nga siya sa presensya ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Bride for Hire
Fiction généraleEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...
