Chapter 26
Nagsisiuwian na ang ilang mga guest. Halos sila-sila na lamang ang nasa party, at ilang mga kaibigan ng pamilya, malalim na rin kasi ang gabi. Kakatapos lang ni Emilia na magbihis ng isang casual white dress dahil hassle sa kaniya ang wedding gown.
She felt relieved talking to Sebastian, parang nabawasan ang bigat ng kaniyang nararamdaman. At least ay nailabas niya ito. It's like lifting something off of your chest, sana nga lang ay magsilbi iyong daan para magkaayos na sila nang tuluyan ng lalaki.
"Thank you, ah." Nilapitan niya ang lalaki at binulungan. Nag-iinuman nalang ang mga ito, him and his cousins with his friend. Denise and Sheryl is by Emilia's side. Si Therese naman ay kasama si Dennis sa kabilang table, kasama ang mga kaibigan nitong kaedaran ng mag-asawa.
"You're welcome?" Patanong na saad ni Sebastian dahil naguguluhan ito kung bakit nagpapasalamat ang babae. Pagkasagot ni Sebastian ay ngumiti lang si Emilia at umalis na papunta kina Sheryl at Denise.
She hopes that everything will be fine for them in the next few days. Para maging bearable naman ang sitwasyon nila kahit hindi nasunod ang kontrata.
On the other side, Sebastian's confused sa sinabi ng babae. "We really can't help who we fall in love with." It somehow kept replaying on his mind. Hindi pa naman siguro siya mahal ng dalaga, hindi ba? Ang alam niya lang ay may gusto sa kaniya ito, not to the extent she loves him.
Sebastian took another shot. One of the reasons why he persuaded Emilia to accept the offer is that, he thought this kind of thing wouldn't happen because the girl seemed to despise him. Na hindi ito magkakagusto sa kaniya dahil inis na inis ito sa kaniya noong umpisa. But now, he felt responsible for the girl's feelings. Hindi naman niya inaasahan na mahuhulog ang loob ng babae sa kaniya.
One thing is for sure, hindi naman niya hahayaan na ang pagkagusto sa kaniya nito ay umabot sa puntong mahal na. He will do everything para hindi na lumalim pa ang nararamdaman ni Emilia para sa kaniya. Hindi naman lingid sa kaniyang kaalaaman na nahihirapan din ang babae sa setup nila.
"Do you drink?" Tanong ni Denise kay Emilia na nakatitig kay Sebastian, who is two tables away from them.
Agad namang tinungga ni Emilia ang baso na naglalaman ng alak. She was never really fond of alcohol, pero ngayon ay mukhang tama sila. Katuwang ito ng broken hearted.
"I didn't expect that!" Denise amusingly said. "Just don't get drunk, please. Mom doesn't wantㅡ oh, nevermind. Kuya is here anyway." Napangisi naman si Denise at tumawa si Sheryl, habang si Emilia ay lukot ang mukha sa isang gilid. Kahit kailan ata ay hindi siya masasanay sa lasa nito.
"Hay nako, nakakaranas kasi ng pagkakabasted 'yan. One sided ba. Unrequited. Hindi nasuklian, rejected, declined." Iling ni Sheryl habang nagsasalin ng alak sa kaniyang wine glass. Napalabi naman si Emilia, kung sabihin to ng kaibigan ay parang niligawan niya si Sebastian, at lahat na yatang posibleng salita na konektado roon ay nasabi na.
"Oh my! Don't tell meㅡ" Hindi na tinuloy ni Denise ang sasabihin dahil tumang-tango na si Sheryl bilang pagsang-ayon. "Oh my fairies!" Denise squealed. Hindi naman alam ni Emilia ang ikinakikilig nito at uminom lang muli.
Magpapakalunod muna siya sa alak dahil sa mga susunod na araw ay kailangan na niyang magpakamartyr at manhid. How could she just possibly turn off her feelings for him in an instant? Hindi niya rin alam.
BINABASA MO ANG
Bride for Hire
General FictionEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...
