Chapter 19

11.4K 237 16
                                    

Chapter 19

"Babae ako ano! Doon ka sa sofa at ako sa kama!" Protesta ni Emilia at agad na tumalon sa kama. Kanina pa nila pinapagtalunan ang sistema ng kanilang pagtulog.

Sebastian crossed his arms to his chest. "This is my room." Emilia rolled her eyes. May punto nga naman ito, pero hindi siya papatalo. Minsan lang siya makatulog sa isang king sized bed, at hindi rin komportable na matulog katabi si Sebastian.

"Technically ako ang bride mo, hindi ba? Pa'no kung pumasok mommy mo ta's makita akong nasa sofa?!" Sebastian sighed at tila nagiisip. Tahimik lang niya itong tinititigan habang nag-aabang ng sagot.

"And what? Same goes for me if I sleep in the couch. Let's just sleep together then." Emilia's eyes widen in surprise. That sounded dirty and wrong to her ears. Bakit ba dumudumi na ang kaniyang isip kapag kasama ang lalaki? Naisip niyang bad influence ito sa kaniya na kailangan niyang iwasan.

"If the sleep together you're thinking is the other one, you should've brought the box of magnum you bought so we could make use of them." Mas lalo namang lumaki ang mata ni Emilia sa turan nito.

Agad niyang binato ng unan at lalaki at nagtalukbong ng comforter sa hiya. "Bastos!" Noong isang araw pa kung ano ano ang sinasabi nito sa kan'ya. Naiimpluwensiyahan tuloy ang utak niya. "Basta, doon ka sa sofa, period!" Hindi naman nagsalita ang lalaki at narinig na lamang niya ang tawa nito at pagsara ng pinto sa cr.

She went out of the comforter at napabuga ng hangin. Lumabas na lang muna siya ng kuwarto at hinanap si Denise. Sakto namang nakasalubong niya ito sa hagdan.

"Omg Emilia!" Agad itong umakyat papunta sa kaniya at hinawakan naman nito ang kaniyang mga braso.

"Ah Denise, may damit ka ba diyan?" Hinila naman siya ni Denise papunta sa isang kuwarto na nasa tabi lang ng kuwarto ni Sebastian.

"Omg! Totoo ba, you and kuya... under one roof?!" Excited nitong tanong. Inililibot naman ni Emilia ang mga mata sa kuwarto. Purple at white ito, parang iyong sa condo lang ni Denise. Di naman halata na ito ang paboritong kulay ng babae.

"Hindi ah, misunderstanding lang." She sighed. Naisip niya tuloy na not everything's going smoothly unlike she thought. Mukhang mas magiging complicated pa nga dahil sa mga nangyayari. 

It's like the hole she's in keeps getting deeper and deeper each day.

Pumasok naman si Denise sa walk in closet na sinundan naman niya. Sa dami ng damit nito ay hinding hindi ito mauubusan. P'wera pa ang nasa condo nito, daig pa ni Denise ang may sariling clothing line. "How?" Tanong ni Denise at kinuwento naman ni Emilia ang engkwentra nila ni Therese sa elevator hanggang sa makarating ng unit ni Sebastian.

"Edi first time niyo matutulog nang magkasama tonight?" Ani nito matapos niyang magkuwento. Nahihiyang tumango si Emilia.

She's wondering what it would be like. But two words come to her mind, awkward and chaotic. Impit na tumili si Denise. "I'm anticipating!" Tili nito at may hinilang blue silk nighties. "Perfect!" Agad namang umiling si Emilia at binalik ang ang damit na kinuha ni Denise.

"Denise, pajama at t-shirt nalang." Namumula niyang saad. Lalo lamang siyang aalaskahin ni Sebastian ng kung ano kapag ito ang isinuot niya.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon