Chapter 35

9.7K 206 15
                                    

Chapter 35

Naalimpungatan si Emilia at napakunot ang noo nang maramdaman ang malagkit at medyo malamig na bagay na tumatama sa kaniyang balat, na animo'y gumuguhit at nililibot ang kaniyang mukha.

Agad niyang minulat ang mata upang makita kung ano iyon. Sebastian with a devilish grin greeted her good morning and with that, she already had a clue, ginising na naman siya nito sa pamamagitan ng paraan na hindi natural na panggising ng tao.

Agad napalaki ang kaniyang mga mata at napatiim ang kaniyang mga bagang nang makita ang hawak na pentel pen nito. Napahaplos haplos siya sa mukha at napapikit ng mariin.

She took a deep breath before screaming, "Sebastian!" Nanggigigil niyang dinampot ang unan ngunit bago niya pa ito maibato ay kumaripas na ng takbo ang lalaki.

"Get ready! We're going somewhere." Sumilip pa ito sa pinto para ihatid ang mensahe. Kumindat ito sa kaniya na inirapan niya na lamang. Nang makaalis ito ay napalitan ang irap ng isang ngiti dala ng pagkakilig na nararamdaman.

Agad niyang tinungo ang banyo at pagkatingin sa salamin ay nakita niya ang repleksiyon na may kung anong guhit sa mukha. Mayroong bigote sa itaas ng kaniyang labi. Ginawa pa siyang pusa nito sa paglalagay ng tig-tatlong linya sa magkabilang pisngi, at bilog sa ilong. May mga nakasulat naman sa noo niyang tu me fais tourner la tête na hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin.

"Tete? 'Di kaya bastos 'yon?" Nakanguso niyang saad bago kaskasin ang mukha. Hindi naman iyon gumana na mas lalong nagpasimangot sa kaniya.

Napukaw ng kaniyang atensiyon ang isang bote na may sticky note na nakalagay na use this at sa tabi niyon ay may bimpo. "Pinaghandaan talaga?" Nakataas ang kilay niyang sabi nang may ngiti sa labi. Agad naman natanggal iyon pagkakuskos niya at sinimulan nang mag-ayos para sa kung saan mang pupuntahan nila ng lalaki.

Isinuot niya na lamang ang binili nilang red dress ni Sebastian noong nakaraan. Maraming araw na rin ang nakalipas magmula noong dumating sila rito sa Paris. Sa loob ng mga araw na iyon ay puno ng mga espesyal na memorya para kay Emilia. They spent a lot of time together and it's more than enough for them to know each other.

Maski siya ngayon ay naguguluhan, nagkakaroon na rin ba ang feelings sa kaniya ang lalaki o talagang pinakikisamahan lang siya nito? Hindi niya alam kung in-o-overanalyze lang niya ang mga bagay at binibigyang kahulugan ang mga ito, o iba lang talaga ang kinikilos ng lalaki?

Matapos mag-ayos ay lumabas na siya ng silid. Pagkababa niya ay nasa sofa si Sebastian at nakatutok sa iPad. "Kuya! How is it?! Omg, I can't wait to see both of you! Or three of you?!" Dinig niyang tili ni Denise. Magka-video call siguro ang dalawa.

Emilia excitedly sat next to Sebastian. With that, she immediately saw Denise with all smiles on the screen.

"There she is! I missed you Emilia dear!" Sabik na sabik na sabi ni Denise na may mukhang bakas ang ligaya. Nahahawa din siya ng ngiti bito, as always. Na-miss niya bigla ang Pinas.

"Na-miss din kita, Denise!" Kahit papano'y nasabik siyang bumalik sa Pilipinas, bumalik sa Pilipinas na may baong masasayang alaala. Although she just hopes na maging ganoon pa rin sila ni Sebastian kahit nakauwi na sila.

"How is it going?" Denise playfully said and wiggled her eyebrows. Napaglapat na lamang ni Emilia ang mga labi niya, suppressing a smile for everything is going very well. Mas mabuti pa sa inaasahan niya.

"Okay naman," Tipid niyang sagot at pinisil ang kaniyang damit. Gusto niyang sabihin ang lahat kay Denise ngunit baka isipin lamang ni Sebastian na masiyado siyang assumera, ni hindi niya pa nga sigurado kung totoo ang kaniyang mga espekulasiyon.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon