Chapter 13
"Anak! May humahanap sa'yo!" Rosa yelled followed by consecutive knocks. "Gising na, Emi! Mukhang importante 'ata! Kanina pa raw siya dito!" Mas malakas na katok naman ang iginawad ni Rosa sa pinto.
Umingit si Emilia at itinakip sa mukha ang unan. She still wants to sleep. More sleep. She feels like lazing around today, gusto niya bumawi ng enerhiya na nadrained kahapon kakapamili.
Napabalikwas naman si Emilia nang may mabibigat na katok siyang narinig sa bintana sa kaniyang kuwarto. "Hija! Gising na! May bisita ka!" Akala niya ay tinamaan na ng bulalakaw ang apartment niya. Napapikit na lang siya at nagkusot ng mata. Sino naman kaya ang kaniyang bisita?
Napalingon siya sa wall clock at 11:36AM pa lamang. Tinampal-tampal niya ang pisngi para magising ang kan'ya diwa. "Gising na po, 'ma! Saglit lang po!" Maaga pa naman pala pero kung makakatok si aling Rosa ay parang dalawang gabi na siyang natutulog.
Nag-inat siya at humikab bago maghilamos, napapaisip kung sino ang naghihintay sa kaniya sa labas ng bahay. The fact that someone bothered visiting her made her curious about it.
Pagkalabas ay agad niyang dinampot ang cellphone. Nanlaki ang mga mata nita nang bumungad ang 54 miss calls mula sa isang unknown number. Hinala niya ay ito iyong tumatawag sa kan'ya kagabi. Sino naman kaya ito? Ganoon ba kaimportante at talagang kailangan pa siyang paulanan ng tawag? Napukaw naman ng atensiyon niya ang isang text rito.
Unknown number
Damn it. Why are you not answering your phone?! I don't usually text and damn, this will be the last time so answer my calls!Tumaas naman ang balahibo ni Emilia sa nabasa. Kaninang alas otso lamang iyon. Mistulang narinig niya ang galit na boses ni Sebastian sa pagbabasa pa lang ng mensahe. Importante nga siguro ito. Napasapo siya sa noo. Damn it palang, siyang siya na. She said in her mind. Napa-buntonghininga siya nang ma-realize na wala siyang load para mareply-an ito.
Napatigil siya sa pag-iisip nang may kumatok sa pintuan. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa sala. Bawat mabibigat na hakbang ay inihahanda niya ang sarili sa sermon ng lalaki.
Pikit mata at pigil hininga niyang pinihit ang doorknob at binuksan. "Sorry, sorry! Hindi ko alam na ikaw 'yon, pasensiya ka na kasi hindi naman talaga ako sumasagot ng tawag ng unknown number! Kung alam ko na ikaw edi sana sinagot koㅡ" Naiwan sa ere ang kan'yang mga salita nang putulin ito ng boses ng isang babae.
"Emilia dear! What are you talking about, it's me!" Dinilat naman niya ang mata at nakahinga ng maluwag nang bumungad ang balisang mukha ni Denise.
"Finally! I've been here for like an hour or so." Para namang nabunutan ng tinik si Denise, siya din naman dahil hindi si Sebastian ang kaniyang nakita. "Emilia, please dress up. Kuya is really, really, really mad. Kaunti na lang ay siya na mismo pupunta dito." Denise bit her nails na para bang siya ang kinakabahan para kay Emilia. Dali-dali namang pumasok si Emilia sa banyo para maligo. Text pa lang nito ay paniguradong nagmumuryot na sa galit ang lalaki. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at agad na nag-ayos.
Madaling madali siyang nagbihis at dinampot niya na lang kung saang paperbag ang damit na nakuha. She opened a shoebox at laking pasasalamat niya na isang sneaker ito at 'di heels.
She went out quickly after dressing up. Pagkalabas naman ay hinila siya ni Denise papunta sa sasakyan.
"Emilia, be prepared. You know how he acts when he's mad," Emilia inhaled deeply at tumango. Nagrerehearse na din siya sa isip ng sasabihin niya dito. "Anger management issues, you know." Lalo lamang siyang kinakabahan sa mga sinasabi ni Denise.

BINABASA MO ANG
Bride for Hire
Genel KurguEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...