Chapter 21
"What's the theme of the wedding?" Tanong ng isang organiser. They are at the garden of the mansion, together with Therese of course. Ngayon ay kinakausap nila ito ukol naman sa kasal.
Sabay sabay na napalingon kay Emilia ang dalawang designer pati ang mag-ina. She gulped. She haven't really thought about that yet at hindi rin nila napag-usapan ito ni Sebastian.
Nang siya mapatingin kay Sebastian ay may ideya naman na pumasok sa isip niya. "Modern minimalist." She thought Sebastian would like it. Pansin niya kasi ay minimalist ang lalaki base sa disenyo ng condo at opisina nito.
"Make it kind of colourful." Saad ni Sebastian which made Emilia smile. Naging impresyon na nila iyon sa isa't isa.
Tango-tango namang nagsulat ang wedding planner sa iPad nito. Ganoon lamang ang nangyari sa kanilang lunch. Puspusan na ang paghahanda para sa kasal, there's only less than one month left after all.
"Who's your maid of honour?" Hindi na nagatubili pa si Emilia at sinabing si Sheryl. Na-miss niya ito bigla dahil hindi pa niya ito nakakausap mula nang tanggapin niya ang offer ni Sebastian.
"Okay, bridesmaids?" Nakangiwi siyang ngumiti. Wala naman siyang gaanong kaibigan, at hindi din naman alam ng kamag-anak niya sa probinsya na ikakasal siya.
Pasimple niyang siniko si Sebastian. "We still haven't talked to them. But include Denise." Nakahinga naman siya ng maluwag dahil dito.
"Okay ma'am here's your schedule with your maid of honour, on Tuesday po you'll fit your desired wedding dress and veil on three shops we recommended. On wednesday po naka-book na po kayo sa isang florist. You're supposed to shop bridesmaid dresses on Thursday pero we'll move na lang po if wala pang final list. On friday you'll attend several tastings with Mr. Avellaneda..." May kung ano-ano pa itong sinabi at tanging-tango lang ang isinasagot ni Emilia hanggang sa ibigay nito ang papel. Tila lumilipad ang isip niya. It was really overwhelming for her.
She never thought na ganito pala ka-hectic magplano ng kasal.
Emilia should've expected this, dahil panigurado magarbo ang kasalan pero hindi niya pa rin naihanda ang ang sarili para rito. She never really knew how to plan a wedding, ni wala nga sa isip niyang magpakasal dati. Sabagay, simula nang tanggapin niya ang offer ay lahat ng bagay ay naging sobrang unexpected para sa kaniya.
The thing is, hindi na niya napag-isipan pa ang mga bagay na ito bago siya pumayag sa offer. All she ever thought was the million peso at stake. Kaya rin siguro siiya unprepared dahil hindi niya napagtanto ang malaking responsibilidad ang kaakibat ng trabaho.
Looking back, hindi naman niya na ito pinagsisihan gaya ng dati. She had her fair share of fun, even though it can get really exhausting.
"Please contact us immediately po for entourage para ma-i-print na po namin ang invitations at ma-finalize na po. Thank you." Ngumiti ito at umalis na. It felt like a relief, everything about planning the wedding makes her anxious for some reason.
Pinoproblema niya ngayon ang mga bridesmaid. Buong buhay niya ay si Jaxson at Sheryl lang ang naging kaibigan niya. She was never the friendly type.
"I'll come with you and your maid of honour, dear." Nahihiya na lang siya tumango kay Therese. This woman has done so much for the wedding. Alam niya na sobrang effort ang inilaan nito. Madalang nga siya magbigay ng suhestisiyon, Therese was guiding her through it all.

BINABASA MO ANG
Bride for Hire
Fiksi UmumEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...