Chapter 6
Emilia suddenly wants to run away and turn down the offer. Para siyang nakakita ng multo. Shocked was an understatement for what she feels, of all the people, itong lalaki pa talaga.
Pakiramdam niya ay biglang lumiit ang mundo.
Looking at him brought her back to the day she first saw him. Naghalo-halo ang emosyon sa kaniyang kalooban. Hindi niya maatim isipin kung paano at bakit ito nangyayari. Bakit ang lalaking ito pa? Pambihirang pagkakataon, sa pitong bilyon na tao sa mundo ay dito pa siya napadpad. Parang pinaglalaruan lamang siya ng kamalasan.
"Emilia?" Darius' voice dragged her back to reality. She was drowning in her thoughts. Hindi siya makapaniwala. The coincidence just blows her mind.
She blinked twice before answering the man. "Yes?" She absent-mindedly asked. Hindi siya nakapaniwala na itong lalaking 'to ang naghahanap ng mapapangasawa. On the other hand, naisip niya na wala sigurong nakakatagal na babae sa ugali nito. Harsh, arrogant, heartless, and every bad adjective can be used to describe him.
"Come in, you two need to talk." Parang ayaw gumalaw ng mga paa ni Emilia. She just wants to melt right in the spot, baka kasi masapak niya ang lalaking naghihintay sa kaniya sa opisina. She doesn't hold grudges but the fact she lost her job because of him makes her fuming mad. Hindi naman siya mapupunta rito kung hindi siya nasisante. Paano niya maaatim na pakasalan ito?
"Siya ba, Darius?" She asked for clarification. Hindi niya lubusang maisip kung bakit ito nangyayari sa kaniya. Aba'y pakiramdam niya ay may kakambal siyang malas.
Bakit sa lahat naman ng lalaki sa Pilipinas ay 'yong aroganteng lalaki pa na ito?
"O-Oo. Kausapin mo na." Darius answered hesitantly. Napapikit siya ng mariin. Ang liit nga naman ng mundo. Parang kailangan na niyang magbakwit sa ibang planeta.
"Hindi, ayoko. Maghanap ka na lang ng ibangㅡ" Naputol ang pagsasalita niya nang sumigaw ang lalaki sa loob.
"Mr. San Diego, we're wasting time!" Napitlag naman si Darius at sa gulat ay tinulak na lamang niya papasok si Emilia. Agad namang sinara ng sekretarya ang pintuan.
She inhaled deeply. Now, she has the better view of him. He still looks the same. The aura is still tense, much heavier than before. Maybe it's her resentment that added to the weigh.
Nagsalubong ang kilay ng lalaki nang magtama ang kanilang mga mata. Emilia arched an eyebrow, mukhang hindi sila magkakasundo. Ano pa nga ba, una pa lamang nilang pagkikita ay wala na sa ayos.
She just can't imagine what it would be like. She can't even stand this man's presence, parang may plastic na nakakulubong sa kaniyang ulo. She just can't breathe around him.
"You?! What are you doing here?" He asked in disbelief. Emilia reckoned that's what she looked like upon arriving in his office.
His remark made Emilia cross her arms and raise both of her eyebrows. "Me? Ano nga ba? Hindi ko rin alam! Excuse me, pero pinapaalam ko sa'yo, ngayon palang ay I'm declining your offer." She said sharply. She can marry anyone else but not this guy. This guy who ruined her non-existent career!
She's pushing the five hundred thousand at stake out of her mind para hindi siya matuksong tanggapin ito. Kulang iyon para sa pagpapakasal sa lalaki, she reminded herself. Heck, being close to him could raise her blood pressure to the roof!
![](https://img.wattpad.com/cover/105858609-288-k819919.jpg)
BINABASA MO ANG
Bride for Hire
Ficción GeneralEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...