Chapter 15
Naalimpungatan si Emilia nang may naramdaman siyang tumatapik sa kaniyang pisngi. Nananaginip pa ba siya? Wala namang maaring gumising sa kaniya dahil wala naman siyang kasama sa bahay. She creased her forehead at umiingit na nagtalukbong ng kumot.
"Get up." May umalog sa kaniyang balikat at dito siya natauhan. She's definitely not dreaming!
Mabilis niyang tinanggal ang kumot at idinilat ang nanlalaking mga mata. "Magnanakaw!" Humablot siya ng unan at agad agad na hinampas sa lalaking nasa kuwarto niya. She's on her panic mode now.
"Walang'ya ka ba't di ka magtrabaho! Magnanakaw! Rapist! Tulong!" Sunod-sunod niyang sigaw habang pinapalo ang taong nakapasok sa apartment niya.
"Aw. Ow. Stop!" Hinablot nito ang unan na hawak niya at mas lalo naman siyang nagulat sa tumambad sa kaniya.
Nahimasmasan siya at natauhan sa ginawa. "Sebastian?!" She said, startled. Parang ngayon lang siya nagising ng tuluyan. Nagsalubong ang mga kilay niya at pumameywang. Paano ito nakapasok sa apartment niya? Alam naman niyang mayaman ito pero nagawa pa ba nito magpagawa ng duplicate ng susi niya?
The guy is glaring at her habang inaayos ang buhok. Siya pa talaga ang galit?! Nainis naman siya sa naiisip. Sa kaniyang pananaw ay siya dapat ang nagagalit dito ngayon.
Suminghal sa kaniya si Sebastian. "What the hell was that?" Asik nito. Emilia scoffed. Talaga nga naman! Hanggang ngayon ay may galit pa din ito sa kaniya.
She shook her head in disbelief. "Ako dapat ang nagtatanong niyan!" Mabilis niyang hinablot ang unan at padabog itong binalibag sa kama. Padabog niya ring tinupi ang kumot.
She doesn't get this guy. And bet she wouldn't ever get him. Sila lang ang ikakasal na hindi magkaintindihan.
Sa gitna ng pagmumuryot ay bigla siyang naconscious. Naka-pyjama lang siya at t-shirt. Laking pasasalamat niya nang hindi niya hinubad ang bra kagabi. Iniisip niya tuloy kung may tulo laway o morning glory ba siya. Hindi man lang siya nakapag-ayos dahil sa biglang pagdating ng isang uninvited guest.
"Don't test me with that attitude." Pagkatupi ng kumot ay padabog din niya itong binagsak sa kama. She crossed her arms to her chest as she looked at the man.
"Don't test me with that attitude." She mimicked, making weird faces. Palagi na lamang naiistorbo ang tulog niya. Hindi naman siya na-informed na kasali pala sa trabaho niya ang paggising ng maaga. Kailan kaya siya makakatulog muli ng hindi nadidistorbo? Kung alam niya lang na requirement ito ay hindi na sana niya tinanggap ang trabaho.
"Emilia." Sebastian said in a warning tone. Hindi naman natinag si Emilia. Sa pananaw niya'y siya ang may karapatang magalit! Istorbohin ba naman ang payapa niyang tulog, at pumasok sa apartment niya na hindi niya alam kung papa'no.
Kay aga-aga ay nagtatalo agad sila. She couldn't blame herself dahil si Sebastian ang naghahanap ng away. Madami siyang tanong dito pero nauunahan siya ng inis sa lalaki. "Ano na naman, Sebastian? Palagi na lang maaga! Gusto ko pang matulog." If she's a morning person then it's totally fine but sadly, she isn't. And she'll never be. Pero ginagawa siyang morning person ng taong ito.
"I told you we'll get you a condo first thing in the fucking morning." That made Emilia laughed sarcastically. Iyong iyon ang sabi nito kagabi. Masiyado pala nitong sineryoso ang kataga.
"The man of his words, aye? Hindi ko naman alam na literal na first thing in the morning! Ni hindi pa ako naghihilamos!" She complained na may hand movements pa. "Kaya 'wag ka magreklareklamo d'yan kapag mabaho hininga ko." Pahabol pa niyang bulong na hindi nakatakas sa tainga ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Bride for Hire
Fiksi UmumEmilia is just a 23 year old broke girl na desperadang magkatrabaho. Kaso ay walang tumatanggap sa kaniya dahil bukod sa mataas na nga ang standards ngayon, hanggang high school lang ang natapos niya. Wala rin siyang work experience. Hanggang sa ina...