Chapter 3

15.2K 267 16
                                    

Chapter 3

Hindi makagalaw si Emilia at tila nanigas. Akala niya’y umalis na ang binata. Talagang inaabangan siya nito, sa ‘di niya malamang rason. Ano ba ang gusto nitong pag-usapan? Sa haba ng panahon na hindi sila nagkita, wala naman siyang maisip na dahilan kung bakit kailangan pa nilang mag-usap.

Shw just wants to let the past stay where it belongs.

Binitawan siya ng lalaki at hinawakan ang kaniyang mga braso. “I’m sorry. Did I surprise you?” Nakatitig lang siya sa binata. Hindi niya alam kung paano mag-re-react. Madilim na sa labas at tanging ilaw lang ng poste at ang liwanag ng buwan ang gumagabay sa kanila.

“Let’s talk, please?” Bakas ang sinseridad sa boses nito at nagsusumamo ang mukha. His eyes have a glint of sadness which mirrored the moonlight. Napaiwas naman ng tingin si Emilia.

Walang nagtangkang magsalita sa kanila, nababalot sila ng katahimikan.

Eto na nga ba ang sinasabi ni Emilia na awkwardness. Kung dito palang ay hindi na siya makapagsalita, paano pa kung mag-usap na sila?

“Emilia?” Pagtawag ni Jaxson sa kaniyang atensyon nang hindi siya sumagot.

“S-Sorry Jaxson. Ano bang pag-uusapan natin?” There’s a hint of bitterness in her voice. Napansin naman iyon ng binata.

Jaxson heaved a sigh. “Can we just talk?” Tumingin si Emilia sa kaniya. Disappointment is written on her face. Bakit hindi na lang nito sabihin ang pag-uusapan nila? Mas lalo lang niyang pinagduduhan na kausapin ito.

“Kung gano’n, we have nothing to talk about.” Hinawakan niya ang mga kamay ng lalaki sa kaniyang braso at ibinaba ito. She gave him a bitter smile as she turned around and walked towards her apartment.

“I’ll wait. I’ll always be waiting. Remember that.” Napahinto si Emilia sa paglalakad nang marinig ang napakapamilyar na kataga. “I will give you time.” Dagdag pa nito.

Hearing those words brought her back to the good ol’ days. Funny to think na nandito siya ngayon, isang babaeng kumakayod para sa pamilya. Nandito sila, na dating hindi mapaghiwalay na ngayon ay hindi man lang makapag-usap nang hindi naiilang sa isa't isa.

“I’ll wait. I’ll always be waiting.”

She turned around only to see that he left.

He left.

✿❁❀✿❁❀✿

Tatlong araw na ang nakalipas nang magsimula siyang magtrabaho. So far, so good. Nakikibagay pa rin siya sa paligid. Ibang-iba rin kasi ito sa nakasanayan niya. Dati ay maliit na restaurant lang ang pinagtatrabahuhan, ngayon ay high class na at siya pa ang nag-se-serve. Nag-se-serve sa mga taong mararangya at nakaka-angat sa buhay.

Sa katunayan ay nahihiya siyang bumali sa amo, hindi niya kasi alam kung pupuwede ba iyon sa mga ganitong klase ng restaurant. Alam niyang nauubusan na siya ng oras. Dalawa lang naman ang pagpipilian niya, kakapalan niya ang mukha o ang disappointment ng kaniyang kapatid.

“Emi, sobrang kintab na niyang lamesa.” Bumalik naman siya sa realidad nang marinig ang boses ng katrabaho. Nakatulala na pala siya at kanina pa pinupunasan ang lamesa.

Bride for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon