D' Cladventure 2

240 6 0
                                    


Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong tumayo at naglibot ng tingin bago ko mapagtanto na nasa paanan pala ako ng isang bulkan. Malamig ang simoy ng hanging sa sumasalubong sa mukha ko.

"Anak."

Mama? Boses iyon ni mama! Naglibot ako ng tingin upang hanapin kung saan iyon nagmula.

"Mama! M-Mama!" nagsimulang tumulo ang mga luha ko dahil sa labis na pangungulila kahit man lang sa boses ni mama. Nagsimula akong umikot-ikot pero tanging bulkan at mga puno lamang ang nakikita ko.

"M-Mama! A-Asan ka?! M-Mama!"

"Anak, akyatin mo ang tuktok ng bulkang iyan at tumalon ka. Iligtas mo ang iyong ina."

"O-Opo mama! Pupuntahan kita!"

Hindi ako nagdalawang isip na akyatin ang tuktok ng bundok, gaano man ito katarik. Ang mahalaga ay ang muli naming pagkikita ni mama.

"M-Mama! M-Malapit na po ako!"

"Hoy!"

"M-Mama, andyan ka pa po ba?"

"Ahhhhhh!!!"

"Anak. Tumalon ka na, iligtas mo ako rito."

Inihakbang ko ang paa ko papalapit sa tuktok ng bundok. Halos malula ako ng bahagya kong makita ang loob nito.

"Kael!"

"Anak. Nagdadalawang isip ka ba na iligtas ang iyong ina?"

"Kael! Kael!

"H-Hindi po."

'Tulungan mo ako."

"O-Opo, mama."

Inihakbang ko na ang aking kanang pa--.

"Kaaeel! Kaaeel!"

Nagising ako ng marinig ko ang pagsigaw ni Luke. Nagising ako na ang ulo ko ay nasa hita ni nya.

"A-Anong nangyari?" gulat na tanong ko ng makita silang lahat na nakatingin sa akin.

"N-Nasan si mama?"

Nakita kong kumunot ang noo nang dalawa kong pinsan.

"S-Si Tita Loisa?" tanong ni Luke kaya tumango ako.

Nagkatinginan silang dalawa."K-Kael, wala na si Tita, matagal na." napatingin ako kay Shaina dahil sa sinabi nya.

"W-Wala na sya?" napatingin ako sa baba na parang hindi makapaniwala.

"H-Hindi. N-Narinig ko sya kanina!" tumulo ang mga luha ko.

"N-Nahihirapan na sya! Humihingi sya ng tulong sa akin!"

"K-Kael, wala na talaga si Tita. Binangungot ka lang." hinaplos ni Luke ang bumbunan ko.

"H-Hindi." bulong ko.

Tahimik silang lahat at tanging paghikbi ko lang ang maririnig sa paligid.

"I think, ginulo sya sa panaginip nya, tinitira sya sa kahinaan nya, baka kung sakaling sumama sya sa nanay nya hindi na sya nagising pa." narinig kong sambit ni Klein.

"Halur? Nasa mundo natin ang nanay mo Kael! Tayo dapat ang alalahanin mo hindi yung nag-iisip ka ng mga walang kakwenta-kwentang bagay."

Napantig ang tenga ko sa sinabi ni Vanessa.

"W-Wala kang alam." matigas na sambit ko.

Napatawa sya. "Oh mamon! May nanay rin ako! Wala nga lang kwenta!"

The Class AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon