Kael Delle's POV
Nagkatinginan kaming lahat dahil sa pasigaw na hagulhol ni Reign. Nagsimulang magtambolan ang mga drums ng katawan ko. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
I-Imposible. S-Si Nhicole, buhay? P-Pero-- I must admit it. Boses iyon ni Nhicole p-pero paano nangyari yun?
"I-Imposible..." naiusal ni Klein.
"A-Anong imposible?! B-Buhay si Nhicole! H-Hindi ako pwedeng magkamali! B-Boses nya iyon, alam ko!"
"R-Reig--"
"Reign!"
Sabay-sabay naming naisigaw ang pangalan nya ng bigla sya tumakbo papasok sa kweba.
"Sht. Si R-Reign..."
"R-Raven!"
Sumunod si Raven sakanya.
"Sht. Sht. Guys! It's dangerous!" sigaw ni Klein at napasabunot pa sa buhok nya.
"Ow my Gi. K-Kinakabahan is me..."
"A-Ano bang nangyayari?"
"Sht. I think mamatay ako dahil sa kab--"
"WAAAAAAHHHH!!!"
Natigilan kami ng marinig ang sigaw ni Reign at Raven mula sa loob ng kweba. Sandali kaming nagkatinginan at ng matauhan ay mabilis na napatakbo sa loob.
Sht. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko habang papunta roon. Kung napano ba sila? Ligtas kaya sila? Sana..
Unti-unting bumagal ang pagtakbo ko ng maabutan namin sila. Nakatalikod silang pareho sa amin. Makikita ang pagtaas baba ng balikat nila senyales ng mabigat na paghinga.
"R-Reig--"
"Woooooww..."
Nanlaki ang mga mata ko ng masilip ang nasa harapan nila. Isang malaking-malaking kristal ang naroon na parang kumikindat-kindat pa sa amin na parang nanunukso na kunin namin sila.
"Astig..." si Drake.
Lumapit ako roon at akmang hahawakan ng may magsalita sa likuran namin.
"Dead End." ngumisi sya. "Lava Cave of Memories."
Kunot-noo naming tiningnan si Celline dahil sa sinabi nya pero nanatili lang syang nakangisi sa amin.
"W-What did you mean?" sambit ko.
"Y-You're joking, right?"
Hindi sya sumagot pero nanatili syang nakatingin sa amin. Nagsimulang mabuo ang maraming tanong sa isipan ko ngayon. Hindi ko maintindihan.
"G-Guys! Tulungan nyo naman ako! G-Guuys!! N-Nandyan ba kayo?! T-Tulong naman!" boses mula sa mas liblib pang parte ng kweba.
"S-Si Nhicole nga." bulong ko. "Nhicole! Nhicole! Nandyan ka baaa?!"
Tumaas-baba ang balikat ko dahil sa kaba. Naunang tumakbo papasok sa loob si Reign bago ako tuluyang sumunod.
Bawat hakbang ay kasabay ng pagbigat ng mga paa ko. Bawat hakbang ay katumbas ng tatlong tibok ng puso ko.
"G-Guys! Tuloong! Ako to, si Nhicole! T-Tuloooon---Ahhhhhh!!!"
"N-Nhicooole!!! S-Sandali na laaang!!" sigaw ni Raven.
Binaybay namin ang madilim na parte ng kweba. Nararamdaman ko ang pagsabit ng kung-anu-ano sa akin pero ipinagsawalang bahala ko iyon.
"Sht. Aray!"