D' Cladventure 1

397 16 0
                                    

Sunod-sunod kaming bumagsak sa isang hindi pamilyar na lugar. Napadaing ako sa sakit na naramdaman dahil sa paglagapak, ganun din ang mga kaklase ko.

"Ouch naman!"

"Aray ha!"

"Sht."

Napangiwi ako. Ang sakit ng dubdib ko!

"Hey, baka gusto mo nang umalis sa ibabaw ko." napamulat ako at bumungad sa harap ko si Klein habang ako ay nakayakap sa kanya. Kaya pala masakit ang dibdib ko. Putspa.

Ngumisi sya. "Pero kung nag-eenjoy ka, okay lang naman, hindi naman ako KJ." itinaas baba pa nya ang kanyang kilay kaya kaagad akong napatayo at pinagpagan ang damit na suot ko katulad ng ginagawa ng iba. Narinig ko pa ang pagtawa ni Klein kaya napairap ako.

"It's so dirty here naman, e!"

"Yuck! Nasan ba tayo? Is this forest?" magkasunod na daing ni Vanessa at Maquenzi na ipinagsawalang bahala ko.

"Y-Yung portal!" kaagad kaming napalingon sa asul na lagusan na itunuro ni Raven. Hugis bilog ito. Animo'y dagat na umaalon-alon.

"Bilisan nyo! Bumalik tayo!"

Kaagad kaming tumakbo palapit sa portal ng bigla itong maglaho na parang bula. Napakagat labi ako. Bwiset!

"Sht."

Narinig ko ang marahang pag-iyak ni Shaina. Napabuntong hininga muna ako at napailing bago sya nilapitan.

"H-Hey. Shaina. Huwag ka ng umiyak."

"K-Kael!" humagulhol sya sa harap ko.

"S-Shaina, bakit?" niyakap ko sya at marahang tinapik ang likuran.

"K-Kael..."

Sa likuran ni Shaina kung saan ako nakaharap ay nakatayo si Luke. Nakatingin sya sa akin habang nakataas ang kilay. Agad akong nag iwas ng tingin at ibinaling ang atensyon kay Shaina.

"Shhhh. Lalabas tayo rito."

"L-Lalabas tayo?" tinanguhan ko sya at nginitian.

"S-Sigurado ka?" tumango ako.

"Lalabas tayo ng buong-buo."

Lumapit sa amin si Luke at sinenyasan ako na sya na ang magpapatahan kay Shaina. Marahan akong bumitaw kay Shaina bago sya ipinaubaya kay Luke at umalis.

Bahagya akong lumayo sa kanila at naglibot ng tingin. Tama sila, nasa gubat nga kami. Isang hindi pamilyar na gubat. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglang paglakas ng tibok nito. Sandali ko itong pinakiramdaman bago bumuntong-hininga. Pagod lang siguro ako.

Napangiwi ako ng maramdaman ang paghapdi ng anit ko dahil sa paghila ng kung sino.

"You witch! Anong ginawa mo? Bakit tayo napadpad rito, ha?"

"N-No, w-wala--"

"Anong wala?! Guys! Look at this innocent girl! Wala raw syang ginawa?!"

"Eh, bobo ka pala e! Dadala-dala ka ng kahon dito!" sigaw ni Nhicole sa akin.

"Hindi ko naman ginusto--."

"Anong hindi ginusto?! Nagpapatawa ka ba?!"

Bobo ba 'to? Magagawa ko pa bang magpatawa kung ganito na ang kalagayan naming lahat? O baka sya yung nagpapatawa.

"H-Hey! Bitawan nyo nga si Kael!" si Luke.

"Ano ba?! If you can't see?! Well I see! Fault nya lahat 'to!"

The Class AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon