D' Cladventure 11

135 8 0
                                    


"The fck Kael? Anong ginawa mo?!"

Sinalubong ako ng yakap ni Luke ng makalapit na kami sa kanila ni Klein.

"K-Kael." tawag ni Shaina kaya nginitian ko sya bago yakapin ng mahigpit.

Maganda sa pakiramdam na kahit wala na akong magulang may mga tao pa rin na nag-aalala at nagpaparamdam ng pagmamahal sa akin.

"Okay lang ako." bulong ko rito.

Nakita ko si Klein na kinakausap na nina Ken, Shawn at Vanessa. Tinuturo turo pa nya ang kanyang sugat habang sinisisi ako dahil nabangasan ang mukha nya.

"Okay lang yan my baby, bunchy bunchy, tanggap kita kahit ano ka man."

Napangiwi ako ng marinig ang sinabi sakanya ni Vanessa bago humiwalay sa pagkakayakap kay Shaina.

"Shhhhh. Don't cry, buhay pa ko."

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" hinampas nya ako sa balikat kaya tumawa ako ng mahina dahil humaba ang nguso nya.

"Hahaha, biro lang!"

"Ang pangit mo mag-biro! Hindi nakakatuwa!"

"A-Ano ka ba? Biro lang naman e."

Ipinagkros nya ang kanyang mga braso. "Hmp! Huwag mo na uulitin yun ha?" nangingiti akong tumango.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at tinahak na ang pakanan na direksyon taliwas sa kinaroroonan ng mga gumagalaw na puno.

Tch. Nabebeast mode pa rin ako dahil akala ko makakalabas na kami sa kahon na 'to. Ngiting-ngiti pa naman din ako at may papikit-pikit pang nalalaman. Tapos bubungaran ko ang mga gurang na puno? Gaano kaloko yun diba? Kung alam ko lang na may sumpa ang kahong iyon hindi ko na sana dinala sa room namin. Edi, wala sana kami dito? Happy happy lang?

"Tch. It's so kati here naman, e!" reklamo ni Vanessa at nagpapadyak-padyak pa sa lupa.

"Fault mo kase to Kael, e! You brought pa that kahon sa room!"

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang ngayon ba naman, ako pa rin? Ako na lang lagi. Ako na walang malay. Bakit ba lagi ako ang sinisisi nila? Ano bang meron sa'kin? Bakit hindi si Klein ang sisisihin nila? Diba kung tutuusin sya ang may pinakang-kasalanan sa aming lahat? Mas maganda pa sana yung panlalandi nya sa halos lahat ng kababaihan sa campus kesa sa ginawa nyang pagpilit sa akin, e. Wala naman akong pake kung hindi na sya virgin. Aanhin ko na man yun?

"Hoy, Kael! Kinakausap kita!" sigaw ni Vanessa kaya nilingon ko sya at itinuro ang sarili ko.

"Ako? Usap? Mo?" itinuro ko sya.

"Aba!" tumayo sya ng tuwid at nagpamewang. "May iba pa bang Kael dito?" umiling ako.
"Saw? Ikaw lang naman ang may pangit na pangalan dito e!" singhal nya kaya napailing na lang ako at hindi na sya pinansin.

"Aba't--."

"Pwede ba? Tumahimik ka naman kahit sandali Vanessa!" singhal ni Jake.

"H-Hey! Wala kang karapatan na banggitin ang pretty name ko! And wala ka ring writes na pagsabihan ako! May cute mouth ako kaya nag-sasalita ako! Ang katulad kong may magandang boses ay dapat nilalabas ito kase kapag tinago mo baka pumangit maliban sa akin! Kahit anong gawin ko sa boses ko hindi pa rin to uma-ugly! Wala akong voice lechon pero pretty sweety pa rin ang voice ko!"

"Aish! Pwede ba?! Atsaka sino namang may sabi sayo na maganda ang boses mo?!"

"Si daddy. Bakit?"

The Class AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon