"Guys gising na, nagniningning na ang araw." naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni Luke na gumigising sa aming lahat."Anong oras na ba?" ungol ni Raven.
"Uh-- alas dose na ng gabi sa relo ko, hindi pareho ng oras natin dito. Bumangon na kayo. Kailangan nating makalabas rito."
Akma akong babangon ng maramdaman ko ang pangingimi ng hita ko at dun ko nakita ang natutulog na si Ken.
"K-Ken, umaga na." paggising ko rito. Kaagad naman itong naalimpungatan at bumangon bago sinilip ang kanyang orasan.
"Mali ang oras ko."
"Uhhh-- Guys! I'm hungry na! Where the foods ba?" atungal ni Vanessa.
"Oo nga, I'm starving na here!"
"Uhh--Guys?" singit ni Mark.
Itinuro nya ang kanyang bag. "I think may pagkain pa ako rito pero kaunti lang. Palagay ko kalahati lang natin ang makakakain ng tigka-kaunti."
"Akin na nga yan!" inagaw ni Vanessa ang bag mula kay Mark. "Ako na lang ang kakain. Find your sariling food na lang kayo." Kaagad nyang kinain ang Nova na laman ng bag. "And para hindi kayo mahard. Don't give na lang food to Kael, besides she's fault naman to e."
"Vanessa." pagtawag ni Klein.
"What?!"
"Napag-usapan na natin 'to." hindi na muling sumagot si Vanessa.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at tumanaw sa labas ng kweba. Nandoon pa ang ilang dinasour pero wala na ang higanteng may ulo ng ahas.
"Sinong sasama sakin? Maghahanap ako ng pagkain." pagboluntaryo ko.
"Kael, delikado sa labas." pag-awat ni Luke.
"Hayaan mo na yan Luke!"
Malalim akong huminga. "Sabay sabay tayong mamamatay kung walang maghahanap ng pagkain." saad ko kaya bumuntong hininga sya.
"S-Sasamahan kita Kael."
"Ako rin."
"Ako din."
"Me na rin."
Lahat sila ay napagdesisyonang sumama maliban kay Vanessa at Celline na pilay pa kaya napagdesisyonan naming lahat ay maghahanap.
"Shhhhh. Huwag kayong maingay." itinuro ko ang ilang dinasour na natutulog pa. "Baka magising sila."
Dahan-dahan kaming naglakad palabas ng kweba. Kailangan naming makahanap ng sapat na pagkain sa kakahuyan para mabuhay.
Unti-unti naming nilampasan ang ilang dinasour bago namin natanaw ang kakahuyan.
"Look Guys! Many foooooods!" sigaw ni Maquenzi habang nakaturo sa isang parte ng damuhan na punong-puno ng hindi naming kilalang mga prutas.
Kaagad kaming nagsitakbuhan papunta roon upang kumuha ng makakain ng maalala ko ang mga nangyari kagabi.
"A Place where Everything are Secluded."
"I think kailangan natin ng matinding pag-iingat."
"Kung ang lahat sa lugar na ito ay sikreto, ibig sabihin ay marami pa tayong hindi nalalaman. Marami pang bitag na hindi natutuklasan at maraming mangyayaring hindi natin aasahan. May mga bagay rin tayo na magagawa natin pero hindi pala maaari sa lugar na ito."