D' Cladventure 23

131 7 1
                                        

Shaina Fiona Mendes' POV

Yieeeeee! Malapit na matapos yung boat! Hihi! Other thing is hindi pa rin ako makamove-on sa don't touch my birdie ng mga boys. Nakakatawa lang kasi talaga! Wala sa personality nila ang gagawa ng ganoong kalokohan maliban kay Drake na alam naman ng lahat na maloko.

"Eto na malapit na..."

Nagsimulang itali ni Lucky ang isang mahabang baging sa huling piraso ng kahoy na hindi pa naikakabit. Bawat pag-ikot ng baging sa kahoy ay parang nag-slow motion sa paningin ko. Bawat kilos ng kamay nya ay nakakapagpakaba sa dibdib ko.

"Yaaaaaaahhhh!!! Taaaapooosss naaaaa!!!" natutuwang saad ko at nagtatalon pa.

Tuwang-tuwa akong luminga sa paligid at kaagad na napatigil at wala sa sariling napayuko nang makita na ako lang pala ang sumigaw dahil doon.

Ihhhh!! Ako lang ba nakaramdam ng slow-mo?

"G-Guys, halikayo. Dalhin na natin yung bangka dun sa tabi ng dagat."

Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko na kanya-kanya ng lapitan yung mga boys at pinalibutan yung bangkang kawayan.

Ang swerte naman nung bangka. Hehe! Joke!

Pero seriously po. Ang gagwapo po ng lahat ng kaklase ko pero wala akong mapili sa kanila dahil lahat sila ay gusto kong piliin. Hihi! Joke lang po. Hindi ko naman sila manliligaw para pumili ako.

Sino nga bang pinakang-pogi sa kanilang lahat? Hmm. Including kuya Chris. Hihi! Meron din syang irresistable charms e!

Okay. Back to reality po.

"Sige... Bibilang ako ng tatlo tapos sabay sabay nating iaaangat yung bangka. Okay?"

"One... Two... Thre--"

Tumunog yung bangka.

"Jake. After three. Hindi mismong three..."

"Eh sabi mo three lang e."

"Fine. Sige okay? Pagkasabi ko ng Go. Taas na? Maliwanag?"
tumango sila kaya nakitango na lang ako.

"Shaina..." nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Cassy sa tabi ko.

"Bakit po?" sagot ko.

"Aish! Huwag mo nga kong pino-po-po dyan."

"Bakit ho?"

"Hahaha sige. Tingnan mo oh?"

Bahagya akong tumagilid at tinanaw ang kinaroroonan ng boys na inginuso nya.

"Okay... one... two... three...go...Yah!"

"Bakit? Anong meron sa kanila?"

Bahagya syang ngumiti at umastang nag-iisip.

"Hmmm... Let's say na wala naman."

"Bakit may paturo-turo ka pa dyan? Di ka naman teacher..."nakasimangot na saad ko.

"Hahhaha. You are really cute."

"IKR."

"Tss. Hahaha. Hmm. What can you say about Mark? Hm?"

Kunot noo kong hinead to toe si Mark.

"Okay naman. Gwapo din. Bakit?"

"Talaga? Gwapo sya?"

Nakunot ang noo ko ng makita na parang nagning-ning ang mga mata nya at muling tumingin kay Mark.

"Oo. Gwapo sya. Wala naman tayong kaklaseng pangit diba? Lahat gwapo..."

The Class AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon