Christian Park's POV
"Alam nyo b--"
"Hindi namin alam." tugon ni Haina kaya nginusuan ko sya.
"Yuck! Kadiri ka tol! Ang bakla mo! Huwag ka ngang ngumuso! Hahahah!"
"Si Haina kasi..."
"Ano?! Hindi naman talaga namin alam! Hala! Ituloy mo na ang kwento mo! Hahahaha."
"Eto na nga kasi..."
"Kasi?" silang dalawa.
"Kasi ano... may nakita akong kahon sa bakuran namin..."
"Anong meron sa kahon?" si Josh.
"U-Umiilaw e..."
"Ah." tango nila.
"Yun lang?!"
"Bakit ba?" si Haina.
"Yun nga... Umiilaw yung kahon."
"Baka naman kasi may flashlight sa loob?"
"Hindi. Iba kase... Para syang chess board na parang baul kaya hindi tatagos ang ilaw ng flashlight kung sakali."
Uminom ako ng tubig bago muling sumubo ng titsiriya.
"Nakita mo na ba yung loob?"
Umiling ako. "Hindi pa nga e.."
"Ah." katulad ko ay kumain din si Josh. "Dalhin mo na lang dito bukas ng maimbistigahan ko."
Tumango ako sa sinabi nya at dinala iyong kinabukasan. Bitbit ko iyon na parang isang case dahil hindi iyong kasya sa bag ko.
Ang plano ko talaga ay dapat didiretso na ako sa room namin pero nakasalubong ko silang dalawa at sinabi nila na pumunta na lang kami sa likod ng school at doon na lang tingnan para kami lang ang makakakita.
"Medyo mabigat pala 'to." si Josh.
"Huwag mo na kasing buhatin at ilapag mo na lang jan." inilapag nya iyon sa harap ng isang puno bago namin iyong pinalibutan.
"Adventure." basa ni Josh. "Astig naman pala to e! Oh! Yun! Umilaw pa!"
"Woooow..." manghang sambit ni Haina.
"Ano ba Josh? Akala ko ba bubuksan mo yan? Para makita natin yung laman." usal ko.
"Sandali lang naman. Nagmamadali? Eto na nga oh."
Binuksan nya ang kahon at hindi ko maiwasang mamangha ng makita ang asul na bilog na salamin sa gitna nito. Kung pagmamasdan ay para itong umiikot-ikot na tubig.
"Astig naman nyan." sambit ni Haina.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang kahon. Hindi ko inakalang ganito pala ito.
"Oh? Tingnan nyo." ipinatong ko ang kamay ko sa kanang bahagi dahil doon ako parte nakapwesto.
"A lady to suppot a man that is always right."
"Ay ang cute naman ako din!" tuwang-tuwa na ipinatong ni Haina ang kamay nya sa kaliwang bahagi.
"Hoy! Ako din--"
Bahagya akong napaigtad ng malakas na umilaw ang asul na salamin. Parang may asul na hangin ang bumalot sa amin ng mapansin ko ang mga salitang lumalabas sa kahon.
"Tingnan nyo oh?" itinuro ni Haina ang mga salita kaya binasa ko iyon.
"Mirror, Mirror on the board, manipulate and extract them all."
