D' Cladventure 25

118 8 0
                                    

Raven De Guzman's POV

"T-Tae ako?"

"Excellent Adam!"  sigaw ni Drake matapos gayahin ni Adam ang sinabi nya.

"What's the meaning of that word?"

"It means 'I am really handsome!'"

"Really?"

"Yes. Hahahahha!"

"W-What's funny?"

"You. Hahhaha!"

"M-Me? W-Why me?"

"It's because y-you are really handsome! Hahahaha!"

"Drake! Tigilan mo na nga ang pang-uuto mo dyan!" sigaw ni Shawn sakanya.

"Hindi naman ah? Hahahah!"

Tch. Baliw.

Nakaupo kami sa sala ng bahay nila Fred. Kung malaki ang kwarto nila, mas malaki ito! Halos doble ito ng laki kesa sa kanina.

Nakaupo kami sa harapan ng telebisyon nila na ewan ko kung 74 inches yata.

Alam ko. Alam kong nakakagulat. Kahit ako hindi makapaniwala ng una dahil hindi ko inakalang may ganito pala sa loob ng kahong ito. Natawa pa nga ang tatlo sa amin at tinanong kami kung ngayon lang ba kami nakakita ng TV e, masyado raw kasing nanlalaki ang mga mata namin.

Hindi lang yun. Maliban sa 74 inches ang flat screen TV nila, touch screen din ito. Maaari pa rin namang gamitan ng remote. Kaso hitech ang remote ng isang 'to. Para syang tablet na pipindutin mo na lang upang ilipat ang channel o kung anumang gusto mong gawin dito.

Maliban doon. Nakakita rin kami ng Computer, Loptop, at Cellphone na water at Fireproof! Unbelievable right?

Isa pa tong inuupuan namin. Noong una ay hindi namin alam kung saan kami uupo noong sinabi nyang maupo kami habang itinuturo ang blankong sahig. Nagulat kami nung tumawa sila ng malakas at biglang isinalampak ang sarili nila doon, pero ang mas nakakagulat pa? Lumutang sila! Iyon ang akala namin. Invisible lang pala ang mga sofa nila. May pinidot silang parang remote ng bomba tapos bigla ng nagpakita iyong mga sofa.

"Hahahhaha..."

Napatingin ako kay Reign na nasa tabi ko dahil sa mahina at mahinhing pagtawa niya. Napangiti ako. Mabuti na lang hindi na sya umiiyak dahil sa nangyari kay Nhicole. I don't want seeing her cry, I don't want to see my twin cry.

"Hahahhaha... Raven... Tingnan mo si Drake... Nakakatawa sya... Hahhaha.."

Mahinhin syang tumawa habang itinuturo-turo pa si Drake na inuuto pa rin si Adam.

"Mabaho ako."

"Mebahu aku?"

"Bravo! Hahhaha!"

"What is the meaning of Mebahu aku?"

"It means you are the cutest guy in the world!"

"Really?"

"Hmm... Say Bingot ako!"

"Biwngot aku!"

"Hahahah! It means you are perfect!"

Tss. Bago yun ah? Ang dictionary ni Drake Santiago.

"Hahhaha... oo nga. Nakakatawa sya."

Nginitian ako ng tipid ni Reign na para bang nagpipigil na humagalpak ng tawa dahil sa katarantaduhan ni Drake.

"Mabaho hininga ko."

The Class AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon