Kael Delle's POV
Nang hindi ko na makayanan ang pag-kontrol sa hininga ko ay kaagad din akong tumayo at umahon sa tubig.
Napaubo ako habang sinusubukang bawiin ang hininga at tanggalin ang tubig sa aking mukha.
"T-The fuck?"
Iminulat ko ang mga mata ko at napahawak sa bibig ko ng makita na iba na naman ang kinaroroonan namin ngayon.
Nasa dagat pa rin kami pero ang pampang ay hindi na katulad ng kanina na punong-puno ng bato. Pinong puting buhangin na ang makikita rito.
"Sht! Guys umahon na kayo!"
Napatakbo ako kaagad palapit sa pampang ng maramdaman na mabilis nang tumataas ang tubig. Kung kanina ay hanggang bewang ko lang ito, ngayon ay halos lalampasan na nito ang leeg ko.
"S-Sht! G-Guys! Help me!"
Napatigil ako sa paglangoy palapit sa pampang at kaagad na nilapitan si Kaye na nasa bandang likuran pa kaya mas malalim ang tubig. Isa ito sa mga alam ko tungkol kay Kaye, she can't swim.
Naramdaman kong niyakap nya ako kaya tinungo ko kaagad ang pampang na kinaroroonan na nilang lahat.
Sinalubong ako ni Luke na seryoso lang na nakatingin sa akin kaya nginitian ko sya ng pilit habang pinipigaan ang laylayan ng damit ko upang gumaan.
Natapos kong pigaan ang aking damit at naiilang na nilingon si Luke na seryoso pa ring nakatingin sa akin. "You don't need to act like a hero." Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nya at napailing.
No. Matagal ko na syang kilala at alam kong hindi nya kayang magsabi ng bagay na ikakasakit ng damdamin ng iba. Na misundertood ko lang sya. D-Diba?
Tumawa ako. "Huwag mo nga akong biruin ng ganyan Luke! Haha. Hindi ako sanay na ganya--."
"I am not joking."
Napaiwas ako ng tingin at napalunok. Hindi ako nagsalita at kahit ang paghahanda sa sarili ko sa maaari nyang sabihin ay hindi ko nagawa.
"Huwag kang umasta bilang isang super hero Kael. Cause you're not and you will never be. Huwag kang masanay na isasakripisyo mo ang nag-iisang buhay mo para lang sa kaligtasan ng iba. You only live once, Kael. Hindi ka dyos para muling mabuhay sa ikatlong araw. Wala kang kakayanan na ibalik ang sarili mong buhay. At isa pa hindi mo kaya ang sakit na maaari mong maramdaman sa susunod pang mga pangyayari."
Mas iniwas ko ang tingin ko sakanya at napakagat labi na bumuntong hininga.
"I am not acting like a hero." bulong ko.
"Yes you are."
"I am not."
"You are Kael! You are acting like one!"
"I said I'm not!" marahas kong pinunasan ang mga luha na bumabagsak sa aking pisngi. "Huwag kang umasta na parang hindi mo alam kung anong klaseng sakit ang naranasan ko noon!" napaiwas sya ng tingin.
"K-Kael...Luke.." dinig kong awat ni Shaina.
" K-Kasama kita noong naranasan k-ko ang p-pinakamasakit na pangyayari sa b-buhay ko. At kahit na anuman sa ginawa ko ay hindi kayang mahigitan iyon! " napatawa ako. "T-Tama ka. Hindi ako dyos. Wala akong kakayahan na magligtas at tumulong sa iba." nginisian ko sya. "T-Tama. Kailangan kong ingatan ang sarili ko dahil AKO na lang ang meron ako. " sambit ko.
Nakita kong napalitan ng naaawang tingin ang mga mata nya.
"N-No. That's not what I--."