D' Cladventure 22

123 6 2
                                        

Kael Delle's POV

Wooh! Ehem. Okay. Back to normal.

"Baka naman pwede na nating languyin yan! Magtaib man edi galingan na lang sa paglangoy!" anas ni Glenn.

"Hindi nga pwede Glenn! Ikaw na lang lumangoy, gusto mo naman na yata magpakamatay diba?" si Kate.

"Tss. Sino namang nagsabi sa'yo na gusto kong magpakamatay? Ha?"

"Wala! Pero kahit pa! Hirap na hirap na kami mag-isip tapos walang kwenta ang mga suggestion mo! Sarap ibaon sa huuuukkkaaayyy!!!"

"Aba-- Atleast ako may naiisip e ikaw? Puro ka lang pacute dyan."

Napailing na lang ako sa nadinig na bangayan nina Glenn at Kate. Akala ko naman may isa-suggest na maayos e.

"Kayo guys? May suggestion pa ba kayo?" saad ni Chris.

"Eh kung dalawa-dalawa kaya yung lalangoy? Babae at lalake? Para sa tuwing mauubusan ng hininga ang isa sa kanila edi bigyan ny oxygen para CPR under the sea na, makaabot pa tayo sa liwanag!" natatawang saad ni Drake.

"Eh kung ikaw kaya ipamouth to mouth ko dun sa mga isda sa tubig? Isa ka pa. Walang kwenta mga suggestion mo." irap ni Reign.

"Hehehe hindi ko type isda, ikaw na lan--"

"Dikya gusto mo?" taas kilay na saad ni Reign kaya napalunok si Drake.

"J-Joke only! H-Hehehehe."

"Tss."

Nabalot muli kami ng katahimikan ng biglang magsalita si kuya Chris.

"Sino pang meron?" saad nya.

"Eh kung kunin kaya natin yung mga baging dun tapos ipulupot natin sa bewang ng lalangoy tapos kapag mamamatay na hilahin na lang bigla." walang kwentang suhestyon ni Mark.

"Grabe ka naman Mark! Ansama mo! Ikaw kaya? E kung yung leeg mo kaya ang puluputan ko ng baging tapos ihagis kita sa dagat? Sumigaw ka lang kapag mamamatay ka na hihilahin ko na lang para matuluyan ka." napabungisngis ang lahat sa sinabi ni Shaina. Napakahinhin ng pagkakasabi nya pero ang  brutal ng mga salita.

"Grabe ka rin!"

"Tss. Tumigil nga kayo? Uulitin ko. Sino pa ang may suhestiyon sa inyo? Yung MATINO!"

Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala akong maisip na paraan bukod sa languyin na lang ang dagat. Alam kong wala iyong kwenta dahil malayo iyon kaya wala talaga. Lamdia.

"Hey Chris..."

Naagaw ni Klein lahat ng atensyon namin na may bitbit pang isang kahoy.

"Ye?"

"K-Kung--"

"Kung?"

"Tch. K-Kung gumawa kaya tayo ng bangka?"

Parang may malaking light bulb na umilaw sa ulo ko. Seriously. Totoo. Malaki pa sa dede ni Vanessa. Hahah joke! Pero totoo nga parang naliwanagan ako sa sinabi nya at kung tutuusin kumpara sa lahat ng narinig kong suhestiyon iyon lang ang may kwenta.

"Good Idea. Pero san tayo hahanap ng materials? Yung kahoy--"

Natigilan sya ng itaas ni Klein ang kahoy na dala nya. "Marami pa nito dun sa gubat." turo nya.

"Ah. Good. Pero pano yung mga pako, martily-- huwag na ang martilyo kahit bato na lang pero pano ang pako?"

"Tss. Kahit bato hindi na natin kailangan. Ang daming baging dun oh?"

The Class AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon