"Ano ba yan?! San ba ang tamang daan? Sa kanan o sa kaliwa?" naiiritang sambit ni Jake ng maabot namin ang parte ng kweba kung saan may dalawang lagusan.
"OMG naman Jake! Syempre sa kanan us! Can't you see? Sobrang sikip naman nung left oh? Baka pwet mo lang magkasya dyan!" nakairap na sagot ni Vanessa.
"Tss. Hindi lahat ng malaki ay tama Vanessa. Tingnan mo ikaw laki ng ulo mo bobo ka naman."
"Bobo me?! I'm smart na kaya sims birth! Not like you."
"Kita mo? Since yun. Hindi Sims."
Umirap si Vanessa. "Whatever."
Okay. Kung si Vanessa ay first, si Maquenzi ay second, si Jake naman ang pumapangatlo sa katalinuhan.
Pumikit ako ng maramdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko na sinabayan pa ng panginginig ko. Nagulantang ako ng imulat ko ko ang mata ko ay nakatayo na ako sa harap ng kaliwang lagusan. Pano ako nakarating rito?
"Ayos ka lang ba Kael?" tumango ako sa naging tanong ni Ken.
Sinipat sipat ko ang kaliwang lagusan at talaga namang masikip ito. Pero kung titingnan ay lahat naman kami magkakasya dito dahil wala namang mataba sa amin.
"Palagay ko, dito sa kaliwa ang daan." itinuro ko ang masikip na lagusan.
"What?! That's so sikip kaya! How can I lusot there?!"
"Gaga Vanessa, dede at ulo mo lang ang malaki, magkakasya ka pa naman dyan." naiiling na sambit ni Maquenzi.
"Sure ka Kael? Hindi ba dito sa kanan? Palagay ko mas ligtas tayo rito." si Glenn.
"H-Hindi ko alam pero parang ito talaga--ito talaga ang pakiramdam ko." tumango sya.
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo!" si Vanessa.
"Pwede ba?! Kayo ba? Kaya nyong magdesisyon? Ha? Nag-iinarte kayo masyado, kung ayaw mo huwag mo!"
"Ano ba Luke? It's ano naman, e."
"It's ano?"
"It's... Hmm.. It's what. Okay! Tara na't lusubin ang masikip na lagusan!" sigaw ni Vanessa na ikinailing naming lahat.
"So Guys! Mag-iingat kayong lahat! Sa kaliwa tayong lahat dadaan! Sa kaliwa!" anunsyo ni Shawn.
"Wait lang guys! Palagay ko dito sa malaking kweba ang daan." biglang saad ni Celline.
"Pano mo nasabi?" si Ken.
"Madali lang dumaan e." she shrugged.
"Celline, dito na lang."
"Pero dito talaga! Mamamatay kayo dyan!"
Napantig ang tenga ko sa narinig kaya malamig ko syang tiningnan.
"Celline ikaw na lang, kung gusto mo."
Marami pa ang tumutol pero sa huli ay magkakasama pa rin naming tinahak ang lagusan sa kaliwa.
"A-Ang dilim." narinig kong bulong ni Shaina na nakakapit kay Luke.
"Why ba kasi kayo sumusunod dyan kay Kael? We can make designs naman diba?" si Vanessa.
"Oo. You can make your own DECISIONS. Di ba sinabi ko naman sayo kanina na kung ayaw mo huwag mo? Anong ginagawa mo dito?"
"Eh. Sino bang nagsabi na ayaw ko? Ang saya saya dito, e."
Hindi ko na muling narinig pang magsalita si Luke.
![](https://img.wattpad.com/cover/106884191-288-k694363.jpg)