Kael Delle's POV
Hindi pa rin ma-digest ng utak kong may bituka ang mga nangyari. Hallucination lang ba 'yun? Illusion? Imagination?
Imposible. Noah was born a thousand years ago. Pero kami. Hindi pa kami nakakatagal ng dalawang dekada sa mundong ito.
Leche. Lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Alam kong nakita ko si Noah at ang kanyang ark. Alam kong bumaha kanina. Alam kong nangyari ang mga pangyayari kanina.
Alam kong niyakap nya ko mula sa liko--Sht!
"Astig talaga guys! Titanic tayo, e! Sayang di ko nakita si Jack at Rose!" si Drake habang nakaakbay kay Kaye.
"Anong titanic? Noah's Ark yun! Bobo mo din e no? Kamuntikan na tayong mamatay!" nagkibit-balikat sakanya si Drake.
"Hindi naman Noah's Ark yun. Ang sabi sa bibliya. Umulan ng 40 days at 40 nights! E yung kanina nawasak lang naman ang lupa tapos umultaw na yung tubig galing sa ilalim!"
"Kahit na. E yung sa Titanic mo? Diba nasa dagat na talaga sila nun at hindi NAWASAK ANG LUPA TAPOS BIGLANG UMULTAW YUNG TUBIG GALING SA ILALIM? Atsaka parang wala naman akong kilala na Noah dun." naiiling na sagot ni Kaye.
"Ah basta. Titanic for the win!"
Hindi namin alam kung san kami napunta, basta naglalakad kami sa pagitan ng malalaking bato kaya walang masyadong init.
"Pero naisip nyo ba na baka naghahallucinate lang tayo? Ano kasi e. Biglang nawala lahat. Parang nanaginip kang tayo." tumango kami sa sinabi ni Celline.
"The other object is, pano tayo nakarating sa lugar na yun? Nung nakaraan na day we is sa sapa pa lang but now, why here? Why not there?" si Vanessa.
"Oo nga e. Naisip ko tuloy na baka may bumuhat sa akin kaya nakarating ako dun hahaha." tawa ni Kate.
Napabuntong hininga na lang ako at sumipa-sipa ng mga bato na nadaraanan namin.
Hindi dapat iyon ang pag-tuunan ko--namin ng pansin. May mas malalaki pang bagay na nangangailangan non.
Like, kung paano kami makakalabas rito.
Inilibot ko ang tingin sa mga kaklase ko. Halos lahat sila mababakas mo ang na naguguluhan dahil sa nangyari maliban kay Drake na ngiting-ngiti pa rin.
Nahagip ng mga mata ko si Maquenzi na kumuha ng bato at padabog na ibinato sa hindi kalayuan habang bumubulong-bulong ng kung ano-ano.
"Huhuhuhuh."
Napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng iyak.
Iyak ng bata?
"Naririnig nyo yun?" tanong ko kaya tumango sila at sabay-sabay naming hinanap ang pinaggagalingan ng iyak.
Sandali kaming tumigil at nagpalinga-linga sa paligid ng biglang tumigil ang iyak.
Nagkatinginan kami. "G-Guys, I think nag-hahallucinate nanaman tayo." kabadong saad ni Reign na ikinatango namin.
"Yeah. Righ--."
"Huhuhuhuh."
Napatigil ako at napalunok. Sht.
"G-Guys. Ehem. M-Minumulto yata tayo."
"Sht. Lucia Joaquin."
"Sinong Lucia Joaquin?" si Drake.
"Gago. Yung multo. Panira ka talaga."
"Multo? Kachat ko lang yun nung nakaraan, e. Haha. Ang cute nga nya. Joker pa."