D' Cladventure 10

138 6 0
                                    

Nakapikit at nakangiti ako ng makapasok kami sa portal. Naramdaman kong natumba ako kaya naman ibinuka ko ang aking mga braso bilang pagsalubong sa totoong mundo namin.

"W-What, the fuck?!"

Iminulat ko ang kanang mata ko ng matanaw ko ang liwanag at mga dahon sa kalangitan kaya napangiti ako.

Wait.

Kaagad akong napatayo. What? Dahon? Puno? Lupa?. The fuck? Asan kami?

"Sht. I thought makakabalik na tayo." umiling iling si Klein na tumayo sa harapan namin.

"Yung portal." itinuro nya ang asul na lagusan. "Lagusan papunta sa gubat na ito."

"What?! I thought makakabalik na us sa dati?! " angil ni Vanessa.

"Kaya nga. Akala nating lahat pabalik ito. Pero papunta pala ito dito. Gets?" si Jake.

"Tch. Pano na to? Paubos na ang stock natin ng tubig?! Pati yung asul na prutas paubos na. Mamamatay lang tayo dito!"  lumapit si Nhicole sa isang puno. "Ganito rin yung puno dati diba?! Bumalik lang ata tayo!" padabog syang umupo sa lupa na puno ng mga tuyong dahon.

Nahagip ng tingin ko si Drake na lihim na ngumingiti. Obviously, sa aming lahat siya lang ang may gusto nito.

"Anong nangyari? Bakit ganon? I thought makakalabas na kami." dinig kong bulong ni Glenn sa sarili.

Kanya-kanya silang reklamo habang ako ay naupo na lang sa ugat ng isang puno. Pakikinggan ko na lang sila. Baka sakaling makatulong yun sa paglabas namin.

Napayuko ako at napakagat sa labi. Buong akala ko makakalabas na kami. Akala ko ligtas na kami. Akala ko makikita ko na ulit sina Tita. Akala ko lang pala lahat.

Parang ikaw, akala mo crush ka ng crush mo hindi naman pala, Joke!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng may maramdaman akong humawak sa binti ko.

"Ano ba?" sambit ko ng hindi ito tinitingnan. Lumipas ang ilang segundo pero mas lalo lang humigpit ang hawak nito kaya inis kong pinalo ang kamay ng humawak sa akin.

"Bitawan mo nga ako."

Nanlaki ang mga mata ko ng makita na hindi pala tao ang kumapit sa paa ko.

"Waaaaaahhhhhh!!!"

Napahiyaw ako ng hilahin ako pataas ng puno at ibitin patiwarik.

"Ahhhh!!! Bitawan mo ako!" sigaw ko habang pilit na nagpupumiglas rito.

"K-Kael! K-Kael!" nakita kong lumapit sa akin ang mga kaklase kong lalaki habang ang mga babae ay humakbang palayo.

"K-Kael--"

"N-No!" Umalis na kayo! Iligtas nyo yung iba!" sigaw ko babang nagpupumiglas pa rin dito.

"Argh!" napahiyaw ako ng ibalibag ako ng puno sa lupa at napahawak sa ulo ko. Pakiramdam ko naalog ang utak ko.

Nakapikit ako ng muli kong maramdaman na iniangat akong muli nito sa ere.

"K-Kael! K-Kael! Gumising ka!" si Luke.

"K-Kael, K-Kael!"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ng marinig ang pag-iyak ni Shaina. Nakita ko sya sa hindi kalayuan habang nakatanaw sa akin.

"Argh!" nalipat ang atensyon ko kay Blake ng bigla itong napadaing. Nakita ko ang unti-unti nyang pag-angat sa ere habang hawak-hawak ang ulo nyang bumagsak sa lupa dahil sa biglaang paghila ng puno sakanya.

The Class AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon