Lucky Mendes' POV
Lucky Mendes. Luke. Pinsan ni Kael at Shaina. Anak ni mommy at daddy at apo ni lolo't lola.
Kinakabahan akong nakatingin kay Kael na nakasakay sa sanga ng puno habang tumalon-talon pa. Bawat talon nya ay tumatalon ang puso ko sa kaba. Bumibilis ang tibok nito na para bang sumali ako sa 3000 m run.
Ano ba kasing ginagawa nya?! Mapapahamak sya dyan!
"L-Luke, si Kael." si Shaina.
"Shhhhhh." inakap ko sya at pilit na pinatahan sa pag-iyak.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang bumagsak ang puno pero napabuntong hininga ng makita na ligtas na nakababa si Kael mula dito.
Akmang lalapit pa sakanila ang sanga ng puno nang bigla silang tumakbo ng mabilis papunta sa direksyon namin.
Pinagmasdan ko ang mukha ni Kael na papalapit. May sugat sya sa mukha at dumudugo ang labi nya dahil sa pagbalibag sakanila ng malaking puno. Napakagat labi ako. Aish! So gay! Hindi ko kase maiwasang maawa sakanya. Sa mga nangyayari sakanya. Bakit ba ang tapang nya? Bakit ang tibay nya? Haha. Kahit siguro ako na lalaki walang binatbat sakanya, e. Despite being in pain she still manage to help Klein. Hindi ko nga alam kung magagawa ko pang iligtas ang iba kung sobrang bugbog na ang katawan ko. At ang iniligtas pa nya ay yung taong walang nagawang kabutihan sakanya? Tch. She's too kind.
"The fck Kael? Anong ginawa mo?!"
I can't stop myself from hugging her. This is all I can do.
"K-Kael." tawag ni Shaina kaya binitawan ko sya at hinayaan na yakapin nya ito.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!"
Hindi ko alam kung bakit sinabi iyon ni Shaina at kung bakit tumawa sya but I can't stop myself from smiling. Bakit hindi ako ngingiti? Sya nga na maraming problema nagagawa yun, e, ako pa kaya na project lang sa school ang pinoproblema?
Hindi na kami nagtagal roon dahil delikado at hindi ligtas. Tinahak namin ang kabilang direksyon, taliwas sa kinaroroonan ng mga buhay na puno.
"Tch. It's so kati here naman, e!" nakita kong nagpapadyak si Vanessa sa lupa.
"Fault mo kase to Kael, e! You brought pa that kahon sa room!" dagdag pa nito kaya napailing na lang ako.
May oras pa talaga syang magreklamo at manisi ano? Hindi ba sya aware that our lives are all in danger?
"Hoy, Kael! Kinakausap kita!"
"Ako? Usap? Mo?"
Napailing na lang ako sa isinagot ni Kael sakanya. Tch. Paniguradong mapipikon si Vanessa lalo na't ayaw nyang pinipilosopo sya.
"Aba! --May iba pa bang Kael dito?" umiling si Kael.
"Saw? Ikaw lang naman ang may pangit na pangalan dito e!"Really? Saw?
"Aba't--"
"Pwede ba? Tumahimik ka naman kahit sandali Vanessa!" singhal ni Jake.
"H-Hey! Wala kang karapatan na banggitin ang pretty name ko! And wala ka ring writes na pagsabihan ako! May cute mouth ako kaya nag-sasalita ako! Ang katulad kong may magandang boses ay dapat nilalabas ito kase kapag tinago mo baka pumangit maliban sa akin! Kahit anong gawin ko sa boses ko hindi pa rin to uma-ugly! Wala akong voice lechon pero pretty sweety pa rin ang voice ko!"
"Aish! Pwede ba?! Atsaka sino namang may sabi sayo na maganda ang boses mo?!"
"Si daddy. Bakit?"