Klein Lorenzo's POV
Matalim kong tiningnan si Blake na ganoon rin ang tingin sa akin. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin bago tuluyang sumunod kay Kael.
Napabuntong hininga ako. Baka hindi nya ako magustuhan dahil sa ginawa ko.
Aaminin ko. Kinabahan ako ng sabihin ni Cassy na balak syang ligawan ni Shawn. Pasimple kong naikuyom ang kamao ko at sinulyapan si Shawn na nakatitig pala kay Cassy. Dahil dun sa galaw na yung ni Shawn ay kumalma ako at nagawa ko pang makipag-asaran kay Cassy.
Kanina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ewan ko ba. Dati naman kahit na mag-away sila sa harap ko e wala akong pakialam. Nakakagulat talaga na nagawa ko pang suntukin si Blake. Promise. Hindi ko talaga sinasadya. Parang may sumanib sa akin na hindi maintindihan. Sa ngayon, gusto kong magpaliwanag sakanya at mag sorry kay Blake.
"Wooh! Dead air~" hirit ni Drake.
Walang pumansin sakanya hanggang sa mapagdesisyonan kong magsalita upang basagin ang katahimikan.
"S-San--San ba tayo pupunta?" naiilang na saad ko.
"Oo nga naman. We're lost. Hahahahah!"
May nawawala bang natutuwa sainyo, liban kay Drake? Tss.
"Hindi tayo nawawala.. " si K-Kael.
"Bakit?"
"Anong bakit?" nakita ko ang nakakunot nyang noo habang nakatingin kay Drake.
"Bakit hindi tayo nawawala? Hehehehe..."
"Tss... Wala naman tayong pupuntahan talaga kaya hindi tayo nawawala at mawawala."
"Ganun ba yun?"
"Tss..." hindi ko napigilang iusal.
"Bakit mo ko tine-tss-tss dyan Klein? Ha?"
"Tss.."
"Baka ikaw ma-tss dyan kapag sinabi ko kay Ka--"
Kaagad akong napatakbo sakanya at tinakpan ang bibig nya. Napalunok ako at dahan-dahang tumingin sakanya at mas lalo akong kinabahan ng makita na nakakunot-noo syang nakatingin sa akin. Napahinga lang ako ng maluwang ng umiwas na sya ng tingin.
"Huwag ka namang maingay." hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bibig nya. Nang maramdaman ko ang pagtango nya ay saka ko sya binitawan.
Sht. That was too close. Mabuti na lang hindi nya nabanggit ng buo yung pangalan nya.
"Huy... muntik ka ng mabuking."
"Ay panty ni lola!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat kay Cassy.
"Hahahahah! Ang laswa mo! Hahahah!"
"A-Ano ba? Tumigil ka nga!" nararamdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa hiya.
"Hahahahah! That was so epic!"
Napatingin ako sa iba pa naming kaklase lalo na sakanya. Lalo akong binalot ng hiya dahil nakita kong nakatingin din sya sa akin.
"Grabe Klein baby, may panty naman me, bakit panty pa ng lola mo? Hihihihi."
Tss. Akala mo cute nya sa tawa nyang yan? Hoy. Para kang witch na may dustpan na lumilipad!
"Sabi nila kapag nagugulat ang isang tao, iyong nasa isip nila ang naisisigaw nila, so does it mean, iniisip mo ang panty ni Lola Margareth? Ha? Klein?"