Kael Delle's POV
Cerberus. Alam kong Cerberus ang nilalang na nakikita ko dahil sa itsura nito. Mapulang mata, kulay itim, mataas at may tatlong ulo. Nakita ko na iyon minsan sa isang pahayagan. Sobrang delikado nito at ayon pa sa pagkakabasa ko ay mga nilalang ito na nabuhay noong una pang panahon. Ito ang nagsisilbing bantay sa palasyo ng mga kaharian noon, upang protektahan ang kanilang mga amo.
Kasalukuyan kong tinitingnan ang cerberus habang unti-unti itong nasusunog sa itim na tubig.
Hindi ko alam pero talagang nangigil ako habang nakatingin sa mga mata ng kaklase ko na nababalot ng takot at pangamba.
Kanina, habang pilit kong iginagalaw ang sarili ko dahil sa narinig kong ingay mula sa medyo kalayuan ay naigalaw ko ang isa sa mga daliri ko, hanggang sa maging kamay at buong braso. Sunod kong naimulat ang mga mata ko hanggang sa maigalaw ko na ng maayos ang buong katawan ko.
Kaagad akong tumayo at sandaling naghanap ng matigas na bagay bago sinundan ang pinanggalingan ng mga sigaw.
Naabutan ko si Drake na nakalambitin sa puno habang bumebwelo ang cerberus upang abutin siya. Nang makita kong tumakbo na ito ay kaagad kong naibato ang hawak ko na patdang tumama sa ulo ng cerberus na nasa gitna.
Nang magsimula itong habulin ako ay kaagad kong tinungo ang direksyon papunta sa itim na talon at hinigpitan ang pagkakahawak ko sa pinong buhangin.
Nang humakbang ito ng sobrang lapit sa akin ay kaagad ko itong ibinato sa kanya dahilan upang mapuwing ang pangit na nilalang. Sinamantala ko ang pagkakataon upang itulak ito sa itim na tubig at tama nga ako. May lason ang itim na tubig na iyon. Alam ko ring may mahika ito kanina kaya parang naging bato ako na hindi makagalaw. Ito rin ang dahilan kaya para aking tanga na hinahayaan ang sarili na mamatay sa pagkalunod basta makitang ligtas sila Shaina.
Nang tuluyang mawala ang cerberus ay binalingan ko ng tingin ang mga kaklase kong nakatayo sa hindi kalayuan bago tuluyang lumapit sakanila. Napatingin pa ako kay Shawn and he mouthed 'thank you' kaya ngumiti ako sakanya at tumango.
"So guys, tara na. Kailangan na nating makaalis dito." saad ko kaya naagaw ko ang atensyon nila pero wala ni isa sa kanila ang nagsalita.
"Tara na?" pag-uulit ko kaya sabay-sabay silang napailing na parang may ibinabalik sa ulo nila.
"Umalis na tayo rito. Baka may iba pang asong dumating." sambit ni Blake kaya sabay-sabay kaming napatango at naglibot ng tingin.
"Wait guys." napatigil kami dahil kay Kaye. "Saan ba ang tamang daan?"
Napakamot kaming lahat sa aming mga ulo ng marealize namin na mukha kaming tanga dito dahil hindi namin alam kung saan ang tamang daan ng biglang gumalaw ang lupang kinatatayuan namin kaya naupo ako at humawak sa semento.
"G-Guys, guys, I t-think lumilindol ulit! G-Guys!"
Sunod-sunod na silang napaupo at napakapit sa lupa dahil sa mas lumakas ang pagyanig. Napapikit na lang ako at humiling na sana hindi pa ito ang katapusan naming lahat ng biglang magsalita si Drake.
"Woah! Woah! G-Guys, lumilipad tayo!!!"
Naramdaman ko ang kakaibang pakiramdam kaya napamulat ako at bumungad sa akin ang himpapawid. Tiningnan ko ang kinauupuan ko pero nasa semento pa rin naman ako gaya nila kaya hindi ko maiwasang mamangha.
"Lumilipad ang semento! Guys! Lumilipad taayoo!!!"
Pinagmasdan ko ang paligid at ang maaliwalas na langit bago wala sa sariling tumayo at dinama ang malamig na hangin na dumadampi sa aking pisngi.
