Klein Lorenzo's POV
"Ahhhh--Argh!--Ahhhh!!"
Kaagad akong napatakbo papalapit kay Kael ng biglang tumaas ang apoy na nasa harapan ko. Napaatras ako at napahinga ng malalim.
Sht. Muntik na.
"Not so fast, handsome."
Tiningnan ko ng masama si Celline na ngising-ngisi sa akin ngayon.
"K-Klein, save her!"
Natauhan ako ng sumigaw si Chris na nakahandusay sa hindi kalayuan. Nakita kong sumuka sya ng dugo kaya naiwas ko kaagad ang tingin ko.
"Aw, come on Klein, save her..." nanunuksong tanong ni Celline na humahakbang palapit sa akin.
"Sayang... Type pa naman kita..."
Napaatras ako at napangiwi dahil sa sinabi nya. Inilapat nya ang kanyang hintuturo sa labi ko bago nya iyong kinagat.
"Ang lambot ng labi mo..."
Nanginig ako dahil sa nakakakilabot na akto nya. Kadiri! Parang hindi babae.
"K-Kadiri ka! Lumayo ka nga sa'kin! P-Para kang hindi babae!" umatras ako.
"Aw. Affected ka, baby huh?"
"H-Hey! B-Baby bunchy ko yaaann!--Ahhh!"
Napapalunok akong muling tumingin sakanya ng patunugin nya ang kanyang gitna at hinlalaking daliri kasabay ng pag-apoy ng paligid ng kinahihigaan ni Vanessa.
"Shut.up." madiin nyang sambit bago muling tumingin sa akin at ngumiti.
"Sorry. Desperada kasi sya e. Hahaha." sambit nya bago muling lumapit sa akin at trinace ang mukha ko gamit ang hintuturo nya.
"You are perfect. Tantalizing eyes.. Pointed nose, kissable lips, white skin and a sexy body. I love that." nagkagat labi sya sa harap ko.
"Y-Yuck!! Eww!! Bitawan mo nga ako!"
"Ow? Why baby? Don't you like me?"
"O-Of course!"
"Of course you like me?"
"O-Of course! I don't like you."
Sumeryoso ang mukha nya pero kaagad ding napalitan ng isang ngisi.
"Very well. Ang choosy mo." saka nya ako tinalikuran at bumalik sa tabi ng kulungan ni Nhicole.
"Hahahahahah! Look at our dearest Kael. Aww. Poor her. Still suffering from her past."
Napalunok ako at muling tumingin kay Kael na nakayuko pa rin sa sahig.
"Ahhhh--Argh!---Ah- M-Mama! Argh!"
Kaagad akong napatakpo palapit sakanya at kaagad syang binuhat upang makahiga sa hita ko.
Argh. Naalala ko tuloy yung time na si Ken ang tinulugan nya at hindi ako. Tss. Nahurt kaya ako non ng lot kaya nakitulog ako kay Vanessa na hindi ko naman type.
"K-Kael.."
Kinabahan ako ng makitang bumibigat ang paghinga nya na para bang hinihika sya. Tinapik-tapik ko sya sa mukha pero hindi pa rin sya gumagalaw.
"Awww... Looks like dead na ang lover mo Lorenzo. Hahahahah."
"N-No. Hindi pwede."
Inilapat ko ang mga kamay ko sa dibdib nya bago iyong itinulak ng itinulak. Sht. Kael. Papakasalan pa kita, you can't die. Ni hindi pa nga ako umaamin sayo, e.