D' Cladventure 26

120 7 0
                                    

Kael Delle's POV

"Kael..."

Nilingon ko ang nasa gilid kong si Luke atsaka nag-iwas ng tingin.

Naramdaman ko ang pag-upo nya sa tabi ko pero nanatili akong nakikinig sa usapan nina Drake at Adam.

"Mabaho hininga ko."

"Mebaho hininga ku?"

"Right! Outstanding!"

"What is that?"

"It means the food is delicious!"

Tss. Loko.

"I-I'm sorry..."

Hindi ko pinahalata sakanya ang paglunok ko.

"I've been a jerk for being so insensitive. Hindi ko inisip ang nararamdaman mo. Isinawalang bahala ko ang nakaraan mo. S-Sorry talaga Kael. Ayokong ganito tayo. A-Ayokong nagagalit k-ka sakin. Y-You know me Kael. Y-You know how much I love you and Shaina. You know h-how much I cared for you. I-I just don't want to see y-you being hurt. H-Hindi ko gusto na nakikita kang nahihirapan. A-Ayokong nakikita ka malapit s-sa k-kamatayan. I'am really s-sorry Kael..."

"Tss..."

"Are...Are you mad?" parang batang tanong nya.

Umiling ako. "Hindi naman ako nagalit e... N-Nainis lang ako sayo kasi imbes na kinomfort mo ko e sigawan mo pa ako."

"S-Sorry talaga..."

"Tss... Okay lang. Naiintindihan naman talaga kita e. Ako yung insensitive kasi kahit na alam kong nag-aalala ka lang sa akin, hinayaan ko pa rin ang sarili kong pangunahan ng galit."

"S-Sorry pa rin."

"No. I'm sorry..."

Sandali nya akong tiningnan ng seryoso.

"B-Bati na tayo?"

"Hmm.." tango ko.

"H-Hindi ka na galit?"

"I told you... Hindi ako nagalit."

"H-Hindi ka na inis sa'kin?"

"Hindi na.." ngumiti ako.

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nya at ang paglawak ng mga ngiti nya.

"T-Thank you... Hindi mo alam kung gaano ako natakot nung galit ka sakin."

"Hindi nga ko galit.."

"I mean. Inis sa'kin."

Ngumiti lang ako sakanya at muling bumaling kina Drake na kausap si Adam.

Hindi ko inasahan na may ganito sa loob ng kahon. Ganito kagandang bahay at ganito ka-gwapong nilalang. Nakilala namin sina Fred, George at Adam. Kung titingnan ay halos nasa thirty na si Fred at George habang si Adam ay halos kaedadan lang namin.

Nakamasid ako sakanila ng biglang tumingin sa akin si Adam at kumindat kaya nagulat ako at hindi na nagawa pang mag-reak.

"Kael... Kumindat sya sa'yo..."

Tiningnan ko si Luke na nakangiti sa akin na para bang nang-aasar.

"H-Hindi naman ah?" painosenteng sagot ko.

"Hahahha. Sinungaling. Patay. May nag-aalburuto na."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya at hindi na sya pinansin pa.

The Class AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon