Hindi lamang pangkaraniwan ang aso na ito kaya sobrang natatakot sila katulad ko. Isa itong itim na aso na may tatlong ulo. Ang mga ngipin nito ay sintalim ng ngipin ng isang pating. Ang laki nito ay halos sinlaki lang rin namin. Dumagdag pa ang tatlong pares ng mapupulang mata na kasalukuyang nakatingin sa amin.
Napaatras ako katulad ng ginawa nila. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakakahiya man dahil lalaki ako pero sobrang natatakot ako sa sitwasyon namin ngayon. Napasulyap ako kay Kael na kasalukuyang nakahiga pa rin at kay Cassy na nakakapit kay Reign.
"Ano ba guys? Aso lang yan oh?" humakbang ng isa si Drake at tiningnan ang aso. "Hey doggie, doggi----Ahhhh!!" kaagad syang napalayo ng tumahol ang aso na parang isang dambuhalang halimaw.
Hindi namin nagawang makagalaw dahil sa nasaksihan. Hindi kami sanay sa ganitong klase ng hayop. Ang aso sa mundo namin ay iisa lang ang ulo at halos hanggang binti ko lang. Pero ang aso dito ay tatlo ang ulo at halos kasintangkad ko lang. Pwede na syang pambasketball. 6 footer din ito.
"Waaaaaaaahhhhhh!!!!!" napatili kami at kaagad na napatakbo palayo upang magtago sa mga puno ng muling maglabas ng boses ang aso at naglakad papalapit sa amin.
Mabilis lamang itong humakbang dahil mahaba din ang biyas nito na kung ilalagay sa babae ay sexy. Nagtago ako sa isang malaking puno at halos mapasigaw ng maalala kong nasa semento pa rin si Kael.
"S-Si Kael, s-si Kael."
"Shhhhhhhhhhhh."
Narinig kong umiyak si Shaina ng makitang nakahiga pa roon ang kanyang pinsan. Sa aming lahat sa room sya at si Luke lang ang kumakausap kay Kael ng matino. Sila lang din ang kaibigan ni Kael sa school.
Napatakip ako sa aking bibig ng makitang lumapit ito kay Kael at pinagmasdan. Inamoy-amoy pa nito si Kael at pinalibot-libutan.
Nakatitig lang ako sa ginagawa ng aso kay Kael ng makita ko ang pagdapo ng isang bato sa katawan ng aso kaya malakas itong umungol.
Nakita kong lumabas si Luke mula sa kanyang pinagtataguan at tumitig sa aso na masama na rin ang tingin sa kanya.
Hindi nakapagsalita si Luke at napaatras na lamang ng galit na humakbang palapit sakanya ang halimaw.
"L-Luuuke!!!" si Shaina habang umiiyak.
Halos isang metro na lang ang layo nito sakanya ng may tumamang sunod sunod na mga bato sa ulo ng aso kaya napayuko ito at bahagyang napaatras.
Nakita ko sina Glenn at Drake na nakahawak pa sa medyo may mga kalakihang bato na handa na nilang ibato sa aso. Nanlalaki ang mga mata kong nilingon ang aso na pagalit na tumingala at umungol pa ng mas malakas na nakapag paatras sa kanilang tatlo.
"G-Guuuys! Takbo naaaaaa!!!"
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo sa kakahuyan katulad ng ginawa nila. Nakita ko pa ang aso na humabol sa direksyon na tinahak nina Drake at Glenn.
"G-Guuuyyyss!!! Bilisan nyo!!!" narinig kong sigaw ni Klein bago sya sumabit bigla sa isang puno at tuluyang umakyat doon.
"G-Guys dito!!!" inaalay nya sa amin ang kamay nya kaya kaagad na humawak doon si Vanessa at umakyat. Napaiwas pa ako ng tingin dahil nakita ko ang panty nyang kulay sky blue.
Sumunod na umakyat si Shaina, Reign, Kate, Maquenzi, Nhicole, Kaye, Celline at Cassy. Kaagad na sumunod sa pag-akyat ang iba pa naming kaklaseng lalaki saka ako nagpahuli.Nakahinga ako ng maluwag ng masigurong ligtas na kaming lahat ng maalala ko ang kalagayan ni Kael.
"G-Guys! Si K-Kael/Drake!" nagkatinginan kami ni Kaye ng sabay kaming napasigaw nito saka ko lang narealize na nawawala pa rin pala si Drake.