D' Cladventure 21

116 6 0
                                    

Kaye Villamayor's POV

Nakakaiyak naman ang kwento nito ni kuya Chris. Nakakadala talaga dahil balot na balot sya ng emosyon habang nagsasalaysay. Nag-aagusan ng sunod-sunod yung mga luha nya lalo na sa tuwing nababanggit nya ang pangalan na Haina at Josh.

Sabagay kahit ako man ay malulungkot. Kahit nga na hindi ko masyadong ka-close si Nhicole (dahil ang taray nya) ay sobra pa rin akong nalulungkot nung nawala sya. Noong makita kong nakatumba na sya sa lupa ay gusto ko syang lapitan pero wala akong magagawa. Kung sakaling tinulungan ko sya patay na rin ako ngayon.

Nalulungkot ako para kay Reign dahil sya yung pinakang-malapit kay Nhicole. Nakakalungkot lang na makita syang umiiyak dahil nawala ang isa sa pinakamamahal nya sa buhay.

"Huy, anong minumukmok mo dyan?" umakbay pa sa akin si Drake.

"Hindi naman ako nagmumukmok."

"Eh? Anong tawag sa ginagawa mo?"

Tiningnan ko sya ng seryoso at umayos ng upo. "Nananahimik."

"Bakit?"

"Ano?"

"Bakit ka nananahimik?"

"Tss. Pake mo ba?" sambit ko.

"Hahhaha. Syempre classmates tayo kaya I care for you, and you care for me then everybody care for each other!"

Napailing na lang ako at lihim na napangiti dahil sa kakwelahan nya.

"Hindi porke magkaklase tayo e 'I care for you and you care for me then everybody care for each other' na katulad ng sinasabi mo. Magkaklase lang tayo. MAGKAKLASE." pagdidiin ko kaya mas lalong lumaki ang ngiti nya.

"Magkaklase nga tayo. Hahahah. Hindi ka pa ba nakakamove-on?" natatawang sambit nya.

"A-Ano?!"

Napansin kong naagaw ko ang atensyon nilang lahat kaya napapahiya akong ngumiti.

"S-Sorry.." muli kong ibinaling kay Drake ang atensyon ko at sinamaan sya ng tingin.

"Hehe. Affected ka naman masyado. Nagtatanong lang e."

"Anong affected? Anong nagtatanong?"

"Painosente ka naman. Tinatanong ko lang kung nakamove-on ka na ba kako kay B-BLAKE!"

"Ano yun? Narinig ko ang pangalan ko?"

Mariin ako napapikit at muling kinurot ang tagiliran nya dahil sa pagsigaw nya sa pangalan ni Blake.

"H-Heheh--Aahh!! W-Wala yun. Ganda ng pangalan mo! Taray."

Napailing na lang si Blake at ibinaling na ang atensyon sa pinag uusapan ng magkakaklase at ni kuya Chris.

"Ikaw! Ang ingay-ingay mo!" mariing bulong ko at muli syang kinurot sa tagiliran dahilan upang tuluyan ng mawala ang pag-kakaakbay nya sa akin.

"Eh kinurot mo kasi ako kaya hindi ko maiwasang mapasigaw."

"Kung ano-ano kasing tinatanong mo. Mga walang kwenta."

"H-Hoy anong walang kwenta?! Baka akala mo! Saksi ang buong klase sa tunay nyong pagmamahalan na kahit ampalaya kikiligin! May pa 'I love you no matter what. And I will always love you till forever' pa kayo! Hahahah! Ang korni!!!!"

Sinabi sa akin yun ni Blake noong sixth monthsarry namin. Hinarana nya ako sa harap ng klase at pagkatapos ay sinambit nya ang mga kalokohang iyon.

The Class AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon