D' Cladventure 9

164 8 0
                                    


"Wooh! Aray! Aray!"

Nagising ako dahil sa narinig na daing ni Klein. Nakita ko syang dumapa sa sahig kasunod ng pagtama ng mga bala ng pana sa ulunan namin.

Napailing ako. Tch. Mukhang sinusubukan nyang malaman ang daan mag-isa.

Nang maubos ang mga arrow ay kaagad akong tumayo mula sa pagkakahiga sa hita ni Ken na nakahiga na rin pala sa sahig.

Pinagmasdan ko silang lahat na mahimbing na natutulog bago tuluyang tumayo at tiningnan si Klein.

"Aga natin ah?"

Tiningnan nya ako at inirapan bago umupo ng maayos at hinawakan ang paa nya.

"Ako lang ang maaga. Mas maaga ako sa'yo. Huwag mong ninanatin." sambit nito na ikinailing ko.

"Fine. Ang aga mo."

Tinalikuran ko sya at pinagmasdan ang payapang paligid. Sikat na ang araw pero hindi pa mainit dahil maaga pa. Sa tantya ko ay alas-syete pa lang ng umaga kung sa mundo namin.

Ibinaling ko ang tingin ko sa mga bato na hindi pa rin umaalis sa pwesto at sa asul na lagusan na patuloy pa ring umiikot.

Wow. Stay strong for the one you Love.

Hinanap ko ang batong pinag-apakan ni Maquenzi kahapon bago umapak doon. Sa pangalawang hanay ay may limang bato at akmang hahakbang ako sa pangatlo ng magsalita si Klein.

"Yung pangalawa ang tama."

Tiningnan ko si Klein na nasa likuran ko at nakaupo pero hindi nakatingin sa akin bago tumango-tango at humakbang sa ikalawa at napangiti. Mukhang kanina pa sya gising at kanina pa rin patuloy na umuulan ng mga arrow.

Sa ikatlong hanay ay may apat na bato at akmang hahakbang ako sa una ng magsalita syang muli.

"Hindi dyan. Dun sa ikatlo. Sunod ay ikalima, bago ikaapat tapos ikauna." nilingon nya ako. "Hindi ko na alam yung iba." sambit nya.

Sinunod ko ang sinabi nya at humakbang sa mga sinabi nyang bilang ng bato at tama nga sya ulit.

Sa sumunod na hanay ay may anim na bilang ng batong pagpipilian. Napahawak ako sa baba ko at nag-isip bago tinanggal ang panali sa buhok. Inilapat ko ito sa ikauna pero wala akong naramdamang kakaiba kaya akmang hahakbang na ako dito ng may humila sa akin pabalik sa semento bago ako inakbayan padapa.

Sa ikatlong pagkakataon ay nakita ko ang pagdaan ng matatalim na arrow sa ulunan ko. Hay! Ang bobo ko! Dapat pala bumalik muna ako sa semento bago iyon ibinato sa bato!

"Hindi ka nag-iingat! Bakit basta-basta ka na lang gumalaw?! Pano pala kung hindi ko nakita yung mga arrow na paparating?! Paano kung hindi kita nahila?! Paano kung---."

Napatitig ako sa mukha ni Klein ng bigla syang mamula at mapamura. "Damn. Nevermind."

Tumalikod sya sa akin at napatakip sa mukha nya.

"B-Bakit ba kayo nagsisigawan? Ang aga-aga. Atsaka bakit may dumaang bala ng pana?"

Nagising pala silang lahat dahil sa pagsigaw ni Klein at napakuskos na lang sa kanilang mga mata.

"Bakit ka nakalugay Kael?" kunot noong tanong ni Luke.

Hindi ko naman sila masisisi dahil sa tatlong taong pagkakasama naming magkakaklase ay ngayon ko lang inilugay ang buhok ko. Tanging sila pa lang ni Shaina ang nakakakita nito.

"Ah." itinuro ko ang pang-ipit ko sa buhok sa isang bato na napag-iwanan ko nito kaya tumango sya.

Nagising na silang lahat at sunod-sunod na tumayo maliban kay Drake na nahihimbing pa sa pagtulog.

The Class AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon