Cassy Angeli Velasquez's POV
Hinahanap namin yung sunod na dapat namin puntahan. Siguro limang oras na kaming naglalakad kaya pagod na pagod na ako.
"Ano ba yan? Malayo pa ba?" reklamo ni Vanessa.
Well. Kung pagod ako, siguradong mas pagod yan. Dadamdamin nyan yung kapaguran nya kasi maarte sya.
"Pwede ba? Hindi lang ikaw ang pagod. Huwag kang magrekalmo, okay?" si Klein.
Tch. Pansin ko lang. Medyo mainitin ang ulo ni Klein ngayong mga panahon. Knowing him, maingay sya at madaldal. Lalo na kapag nambobola sya ng mga babae. You know... typical playboy.
"Hmp!"
Ipinagkros na lang ni Vanessa yung mga braso nya. Arte. Akala mo susuyuin sya ni Klein pag ganyan? Tss. Well. Sa aming magkakaklase sya lang ang pumatol kay Klein. Yes, we do have a crush on him because of his irresistable charms na talaga namang nag-uumapaw but not that much.
Hindi naman pumapatol si Klein sa mga kaklase nya e. Come to think of it. Magkakaklase na kaming lahat since freshmen days except for Celline na nagtransfer lang nung sophomores na kami pero kay Vanessa lang sya pumatol? And take note. Napailitan lang sya dahil walang ibang babaeng pwedeng landiin sa lugar na 'to. Ha! I pity her.
Napatigil kami sa paglalakad ng biglang umupo si Klein sa isang ugat ng puno sa lugar kung saan kami napadpad.
"This is crazy! Pinaglalaruan na tayo masyado!" napahawak pa sya sa buhok nya na para bang problemadong-problemado.
"Right. I think niloloko lang tayo. We've been walking for almost five fckin hours. But still... Fckin trees are all I can see." reklamo ni Shawn.
Nagsimula ng mag-ingay ng mag-ingay at halos lahat ay nagrereklamo maliban kay Kael na naupo din lang sa ugat katabi si Drake at si Klein na natahimik pa rin.
Sa halip na magmukmok rin ako na wala namang maitutulong ay tumabi na lamang ako kay Klein at kinulbit sya.
"What?" inis nyang tanong kaya inginuso ko ang isa sa mga kaklase namin.
"W-What about h-her?"
"Tss. Hindi ka pa rin umaamin?"
"A-Ano bang sinasabi mo? Y-You're crazy."
"I am." proud na sagot ko.
"T-Tss. U-Umalis ka nga dito."
"Arte. Anyways, nadinig kong may gusto rin sakanya si Shawn... Hahahha! Baka sila na hindi ka pa nakakaamin! Aw. Poor you..."
"A-Ano? A-Ano namang pake ko dun?"
Napahalakhak ako. "Oh come on mister Lorenzo. Alam ng buong klase na gusto mo sya except for her na ewan ko kung sadyang manhid o naturukan lang ng anestisya. Hahahah!"
Tiningnan nya ako na para bang ako na ang pinakang-baliw na tao sa mundo.
"Atsaka, kaya ka nga naging playboy diba? Kasi nagbabakasakali ka na kung may gusto na sayo ang lahat magustuhan ka rin nya? Hahahah! And another fact about you is ang torpe mo para kang bugok na itlog! Hahahah!"
"A-Ano bang pinagsasasabi mo? I don't k-know what you're talking about."
"Ayts. Sana sagutin na lang nya si Shawn, no?"
"Tss. She will never do that."
"And how are you so sure ha? Pano ka nakakasiguro?"
![](https://img.wattpad.com/cover/106884191-288-k694363.jpg)