At dahil gwapo akong tao. May special chapter! Dito ko ipapakita kung anong nangyari sakanila after ten years. Wii~
P.S. Dryeech. Ang pinakagwapong author sa balat ng mani! Hahahah! Ciao!
Kael Delle's POV
It's been ten years. Ten years na simula nung ma-encounter namin ang Adventure box na iyon. Iyong Adventure box na nakapagpabago ng buhay ko--namin. Simula noon ay hindi na nila ako binubully. They treat me as their real friend. No plastic involved. Natuto kaming lahat na maging independent. Natuto kaming maging matured sa pagpili ng mga desisyon.
"Babe... Ang tagal mo naman.."
Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. At nakita ko sya mula sa salamin.
"Mahirap kasing ikabit ang hikaw na 'to. Sabi ko naman kasi sayo ayokong maghikaw." paninisi ko sakanya.
"Ay. Babe. Akin na nga yan."
Kinuha nya sa akin ang hikaw at sya na mismo ang nagkabit.
"Ayan. Okay na. Ang dali lang diba?"
"Syempre. Kita mo. Ako hindi." saad ko.
"Hahahhaha. Sige na. Sige na."
Seryoso akong humarap sakanya na tinatawan-tawanan pa ako at napabuntong-hininga.
Hindi ko pa rin maiwasang manghinayang at malungkot. Sayang lang kasi hindi ko na sya nakasama ng matagal. Sayang lang kasi iniwan nya kami kaagad. Sayang lang dahil nawala sya ng maaga sa mundo.
"Oh babe. Bakit malungkot ka?"
Hindi ako sumagot.
"Naaalala mo nanaman sya?"
Tumango lang ako.
"Babe naman... Nandito naman ako ah?" hinalikan nya ang noo ko.
"P-Pero kasi--"
"Babe. Magprepepare ka na. Nandoon na daw sila. Tayo na lang ang kulang." nginitian nya ako bago lumabas ng kwarto.
Napabuntong-hinga ako bago sinuot ang isang puting dress na below the knee ang haba.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin bago napangiti. Ang laki na nga ng pinagbago ko.
Kaagad akong bumaba at naabutan sya sa sala na nakatanaw sa labas.
"Tara na?" tanong ko kaya ngumti sya at inakay na ako papunta sa sasakyan.
Mabilis ang naging byahe namin at kaagad ring nakarating sa venue. Ang bahay ni Luke.
Nakangiti kaming pinagbuksan ng guard ng gate atsaka kami pumasok.
Inalalayan nya akong bumaba ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa garden.
"Kael!" nakangiti akong sinalubong nina Shaina at Luke na humalik pa sa pisngi ko kaya ganoon rin ako.
"Kamusta?"
Sandali kaming nagkwentuhan hanggang sa marating na namin ang kinaroroonan ng iba pa naming kaklase.
"Pare! Kamusta kayo?! Oh? Hi Kael!"
Nginitian at tinanguhan ko si Glenn.
Napaupo ako sa kinauupuan nila ng hilahin ako ni Cassy.
"Aray ko naman, Cassy!"
"Ay. Hahahahha. Sorry po."
Napapangiting napapailing na lang ako sakanya.
"Kamusta ka na?"