Masaya kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang malinis na whiteboard namin sa harapan. Nakita ko ang adventure box sa harapan ko na katabi ni Klein. Habang hawak-hawak naman nina Ken at Shawn ang braso ko.
Naramdaman kong kaagad akong binitawan nilang dalawa at bahagyang umatras.
"Wooh. Nung huli kong hawak kay Kael, kinarma ako. Ayoko na." saad ni Ken kaya nagsitawanan kami.
"Sht. I thought mamamatay tayo.."
"Sht. We need to throw this thing."
"Thanks god. Ligtas kami!"
Tiningnan ko ang aking katawan. Napangiti ako. Malinis na ulit ako at walang bahid ng anumang galos.
"Yas! Wooh! After two years nakalabas ulit! Malalanghap ko nananan ang polusyon sa Laguna! Hahahaha!" kwelang sigaw ni kuya Josh na ikinangiti ko.
"Gago. Polusyon lang namiss mo?!"
"Hahahaha! Hindi naman... Syempre si mama rin. Hahaha!"
"Tss.."
Tumunig ang box ng isinarado ito ni Klein. Binitbit nya ang box gamit ang kanyang kaliwang kamay.
"Who's with me? Ilibing na natin to."
Sabay-sabay kaming napailing na napangiti. Hudyat na ayaw na naming makasama pa ang kahong iyon.
"Ayts. Hahahaha. Mag-gogoodbye lang tayo!"
"Hahahha oo nga naman guys. Huli na nating pagkikita to kasama ang kahon na ating minamahal. Hahahah!"
Napangiwi ako sa sinabi ni Drake.
Sa huli ay napagdesisyonan rin namin na sumama na kay Klein sa pamamaalam sa adventure box. Akma kaming lalabas ng pinto ng biglang pumasok si Prof. Consumision sa classroom namin na kunot na kunot ang noo.
"At saaannn kayo pupuntaaaa?!!!"
Tumingin sya sa seiko watch nya.
"Isang minuto na lang magsisimula na ang klasee!!!"
Pinaymawangan nya kami at inisa isa ng tingin.
"Oh? Tingnan mo nga naman! Ang dalawang araw na nawawala, nandito lang pala! Napakagaling nyo naman talagang tatlo e ano?! Dalawang araw na kaming binabagabag ng mga magulang nyo! Saan ba kayo nagsususuot?! Hay. Dyusko. Umalis na nga kayo dito! Nabibwiset ako sa pagmumukha nyo! Mga swail!"
Humawak-hawak pa sya sa noo nya habang kami ay nanatiling nakatulala.
Two days? Does it mean--. Nanlaki ang mga mata ko. Kung tatlong taon ng nasa loob sina kuya Chris ibig sabihin--Every one year sa Adventure box katumbas lang ng isang araw dito?!
"Oh?! Getaaaaawwtt!! Ano pang tinitingin-tingin nyo??!! Nabebeast-mode ako, ha??! Umaaaliis ma kayo ditoooo!!!"
"O-Opo." nauutal na saad ni kuya Chris bago sila nag-paalam sa amin..
"At magpapaalam paaaa???!! Nauubos ang oooraaaaass kooooo saa iinyoooo!!"
"Ay. O-Opo. S-Sige po."
Kaagad silang nagtungo sa pinto. Bago sila lumabas ay tinanguhan at nginitian muna nila kami.
"Ano na?!!! Ngingiti pa???!!!"
"O-Opo. G-Goodbye Prof."
"Goodbye, Goodbye! Layas na! At kayo! Magsiupo na kayo! Ang kakapapal ng mukha, isang minuto na lang, lalabas paaa?!! Magsiupppoooo!!!"