D' Cladventure 27

112 8 0
                                        

Kinabukasan ay napagdesisyonan namin na umalis na sa puder nina Fred. Kailangan na rin kasi naming makaalis dito. Malamang e nag-aalala na ang mga magulang namin dahil ilang araw na rin kaming nandito.

Pinagbalot kami nina Fred ng makakain at as usual vegetarian pa rin sila. Pero ayos na kaysa wala.

"Thank you Fred,George and Adam!" nakangiting paalam ni Drake sa kanila.

"Mga mukha kayong itlog na bugok! Hahahahah!"

"Huh? W-What does that mean?" saad ni George.

"It means 'thank you and goodbye'. Hahahah!"

"O-Ow? Menga muka kayung iltowg na bugowk?"

"Yes. Hahahhaha."

"Thank you for letting us stay. We should go now. The sun is  rising." saad ni kuya Chris.

"You're right. You should go now. Goodbye!" saad ni Fred.

"Thank you again." si Luke.

"Goodbye Drake. I learn a lot from you."

"Hahahhaa. Thanks but no thanks Adam! Hahahah!"

Napapailing kami at akmang magsisimula ng maglakad ng magsalita si Fred.

"Wait."

Iniabot nya kay Mark ang maraming piraso na parang maliliit na bakal.

"I think it can help."

"What's this?" tanong ni Mark habang isinisilid na sa bag nya ang mga iyon.

"That's the strongest magnet in the whole,wide universe. I'm sure it can help but I still don't know how."

"Ah--thank you."

"Kael..." nilingon ko si Adam ng tawagin nya ako.

"G-Goodbye and Take care..."

Ngumiti ako. "T-Thank you..."

"Tara na! Masyado na kayong madrama! Aabutin na tayo ng init kung dadada pa kayo dyan!"

Napapahiya na lang akong sumunod sa kanila ng sumigaw si Klein. Sandali kong nilingon si Adam at kinawayan ganoon rin sya.

"Ano ba?! Bilis naman! Daming alam e!"

Napaigtad ako sa muling sigaw ni Klein at binilisan na ang paglalakad.

"Witwiw." sipol ni Drake.

"Wew. Ayos dito ah? Haha. Parang kalsada lang." saad ni Blake.

"Oo nga e. Parang nasa Laguna lang tayo."

Nagmasid-masid kami sa paligid. Mukhang normal na lugar lamang ito katulad ng Laguna. Ang pinagkaiba lang e walang mga sasakyan dito at bahay-bahay. Wala ring Sm, Puregold, Waltermart, Liana's, City mall, 7/11, New Star, Alfa Mart, 268, 578 at iba pa.

"Ang ganda...."

"G-Guys, may helicopter!"

Napasigaw si Mark matapos kaming balutin ng katahimikan. Kaagad kaming napatingala sa taas kung saan naroon ang isang helikopter na lumilikha ng malakas na tunog.

"T-Tulong! M-May tao po rito! Tulong!"

"TULOOOONNGG!!!"

"Hoooooyyyy!!!! Ilapag mo yang tutubi mo ditoooo!!!!"

Kanya-kanya kaming sigaw na kapuwa umaasa na mapansin kami ng helikopter. Iwinawagay-way pa namin ang aming mga kamay upang subukang agawin ang pansin nila.

The Class AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon